^

PSN Palaro

May playoffs para sa 2-outright semis slots

-
Ang isang libreng ticket patungo sa semifinal round ang ipinagdasal na mangyari ni Harbour Centre coach Jorge Gallent. Ngunit hindi ito naganap.

Umiskor si Jason Castro ng season-high 33 puntos para igiya ang Hapee-PCU sa 98-90 tagumpay kontra Cebuana Lhuillier na nagresulta sa dalawang playoff games para sa dalawang outright semifinals seat sa pagwawakas ng classification round ng 2007 PBL Silver Cup kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.

May magkakaparehong 7-3 rekord ngayon ang Port Masters, Mail & More Comets, Teethmasters at Toyota Otis Sparks.

Sa likod ng kanilang +14 quotient, nasambot ng Harbour Centre ang No. 1 berth sa playoff katapat ng No. 4 Toyota Otis (-27), habang sasagupain  naman ng No. 2 Mail & More (+9) ang No. 3 Hapee-PCU (+4).

"I’m really proud of what we have achieved in this conference," sabi ni mentor Jun Noel sa kanyang Teethmasters, nakakolekta rin ng tig-10 marka kina Mark Borboran at Larry Rodriguez. "At least nakuha na namin ‘yung respeto ng ibang teams."

Kung nabigo ang Hapee-PCU, awtomatiko na sanang naibulsa ng Harbour Centre, naghari sa nakaraang PBL Unity Cup kontra Toyota Otis, ang isa sa dalawang outright semis ticket.

"Medyo nagkakaroon na ng cohesiveness ‘yung buong team since halos lahat sila mga bagong players. I’m hoping na maganda ang ilalaro namin sa playoff," ani Gallent sa kanyang Port Masters, tinalo ang Kettle Korn-UST Pop Kings, 103-77, sa unang laro.

Sa kabila ng nasabing ika-10 sunod na kabiguan ng Kettle Korn, posible pa rin silang makapasok sa quarterfinals. Ito ay kung matatalo nila ang Magnolia sa unang play-off round at manaig sa pagitan ng TeleTech (4-6) at Cebuana Lhuillier sa ikalawang playoff round na magdedetermina kung sino ang uupo bilang No. 5 team. (RCADAYONA)

vuukle comment

CEBUANA LHUILLIER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

HAPEE

HARBOUR CENTRE

JASON CASTRO

JORGE GALLENT

JUN NOEL

KETTLE KORN

PORT MASTERS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with