Matapos ang foul kay Alapag, itinayo ng Talk N Tex point guard ang kanyang counterpart sa nagdedepensang kampeong Chunkee Giants subalit bigla na lamang niyang itinumba si Alapag.
"When he fell, inipit niya yung paa ni Jimmy. Parang ayaw niyang pakawalan si Jimmy kaya nagreact siya," ani Phone Pals coach Derrick Pumaren.
Sa kabila nito, tinalo ng Talk N Text ang Purefoods, 110-92 sa Game-Two ng kanilang quarterfinal series sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Naglista ang 6-foot-9 na si De Ocampo ng 26-puntos, 13-boards at 4-assists para itabla ang Phone Pals sa Giants sa 1-1sa kanilang best-of-five quarterfinal showdown.
Ipinoste ng Phone Pals, nabigo sa Game-One, 84-87, 44-25 bentahe sa huling 5:23 minuto ng second quarter mula sa basket ni De Ocampo bago nakalapit ang Giants sa 67-75 sa fourth period buhat kina PJ Simon at Ricchard Yee.
Sa likod ng 10-puntos ni De Ocampo, isang 16-4 bomba ang ihinulog ng Talk N Text para muling ibaon ang Purefoods, nakakuha ng 25-marka kay 2006 Most Valuable Player James Yap, sa 91-71 sa huling 6:35 minuto ng laro.
Posibleng di makalaro si Marc Pingris sa Game-Three para sa Giants matapos mabalian ng buto sa ilong.(RC)