Pacquiao, nililigawan ni Sulaiman
January 11, 2007 | 12:00am
Aminado si World Boxing Council (WBC) president Jose Sulaiman na hindi pag-uusapan ang world championship fight nina Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Kaya naman isang tawag ang ginawa ni Sulaiman kay Filipino boxing hero Manny Pac-quiao kamakalawa sa hangaring mapapayag ito para sa isang re-match kay Barrera, ang kasalukuyang WBC super featherweight champion.
Nauna nang kinilala ng WBC ang nakaraang "Grand Finale" nina Pac-quiao at Mexican legend Erik Morales noong Nob-yembre ng 2006 bilang final eliminator sa magha-hamon kay Barrera.
Ngunit ito ay nabasura lamang bunga ng 'con-tractual dispute' sa pagitan nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions.
Nang pagtibayin ng 28-anyos na si Pacquiao ang nilagdaan niyang four-year contract sa Top Rank, itinuloy naman ng Golden Boy ang upakan nina Barrera at Marquez sa Marso 17.
Isang listahan naman ang ibinigay ni Arum kay Pacquiao, tinalo si Barrera sa 11th round ng kanilang "People's Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003, para mamili sa posibleng sasagupain nito sa Abril 28 sa Macau, China.
Nauna nang ipinag-paliban ni Sulaiman ang itinakdang purse bid ng WBC sa Enero 12 sa Mexico City bunga ng hindi pa nareresolbahang isyu sa pagitan nina Pacquiao, Arum at Dela Hoya.
Si Pacquiao, nalusu-tan ni Marquez via split draw sa kanilang laban noong Mayo ng 2004, ang siyang mandatory challenger para sa korona ni Barrera. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest