Ito ay kaugnay na rin sa pinaplano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isabak ang Nationals sa darating na South East Asia Basketball Association (SEABA) sa Mayo at sa FIBA Asia Mens Championships sa Hulyo.
"Anytime were ready to play in any international competitions," sabi ni Reyes sa training pool na siyang kumatawan sa bansa sa 2006 Brunei Cup kung saan sila naghari. "After naman nung Brunei Cup tuluy-tuloy naman ang practice at laro ng mga players sa kani-kanilang mother teams sa PBA."
Nakasali sana ang RP 5 sa nakaraang 15th Asian Games sa Doha, Qatar noong Disyembre ng 2006 kundi lamang sa suspensyon sa bansa ng FIBA, ang international cage body.
Ang nasabing suspensyon ng FIBA ay bunga na rin ng pagkakagulo sa local basketball scene na dala ng sibak nang Basketball Association of the Philippines (BAP), pinatatakbo ni secretary-general Graham Lim makaraang sibakin si Sen. Jinggoy Estrada bilang presidente noong Sabado buhat sa desisyon ng BAP Executive Board.
"You can now see kung sino talaga ang may malasakit sa Philippine basketball at kung sino lang yung mga may vested interest. Siguro we have to get rid of these kind of people para makabalik tayo sa international competitions," ani Reyes sa grupo ni Lim.
Sa kabila ng pagkakatanggal ng BAP kay Estrada, tuloy pa rin ang pagtatayo ng SBP ni Manny V. Pangilinan ng isang unified basketball sa hanay ng PBA, PBL, UAAP, NCAA at ng NAASCU, dating katropa ng BAP.
Kabilang sa mga nasa National Training Pool ni Reyes ay sina Asi Taulava, Danny Seigle, Erik Menk, Jay-Jay Helterbrand, Dondon Hontiveros, Willie Miller, Tony Dela Cruz, Don Allado, Yancy De Ocampo, Ren-Ren Ritualo, Jr., at Jimmy Alapag.
"We should think of our country first rather than think of ourselves," sabi ng 6-foot-9 na si Taulava, miyembro ng RP Team na pumang apat sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea. "The National Team is raring to play in the international scene. So were just wait here and be ready." (Russell Cadayona)