Sta. Lucia, Air 21 gustong makasiguro
January 10, 2007 | 12:00am
Habang umaasa ang Sta. Lucia Realty na aabante sila sa quarterfinals nang wala nang inaalala, ang pagtutulak naman sa isang playoff game ang hinahangad ng Air 21.
Sasagupain ng Realtors ang talsik nang Alaska Aces ngayong alas-4:35 ng hapon bago ang salpukan ng Express at sibak nang Coca-Cola Tigers sa alas-7:20 ng gabi sa pagtiklop ng wildcard phase ng 2007 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Nakalapit ang Air 21, may 9-11 rekord ngayon sa ilalim ng 11-9 baraha ng Sta. Lucia na nagbigay rito ng isang playoff seat para sa ikaapat at huling outright quarterfinal ticket, sa ibinibigay na playoff incentive nang naglista ng dalawang sunod na panalo.
Ang naturang dalawang tagumpay na nakuha ng Express ni Bo Perasol ay ang 112-106 paggiba sa Aces noong Linggo at ang 121-99 pagpapatumba sa Realtors noong nakaraang Miyerkules.
"I like our chances. And we really have to like it. But we still have to deal with Ali Peek and John Arigo for us to win the game," ani Perasol. "I think we can do that."
Muling aasahan ng Air 21 sina Gary David, Ranidel De Ocampo, Mark Telan at Nino Canaleta para tapatan sina Arigo, Peek, Nic Belasco, Willie Miller at John Ferriols ng Alaska.
Tuluyan nang maibubulsa ng Sta. Lucia ang ikaapat at huling outright quarterfinal seat kung mabibigo ang Air 21 sa Coke, may 6-14 kartada sa ilalim ng 8-12 grado ng Alaska.
"Siguro well just in the sidelines kung ano ang mangyayari sa laro ng Air 21," wika ni Alfrancis Chua sa paghihintay ng kanyang Realtors, sasagupain ang Red Bull Barakos sa quarterfinals kung matatalo ang Express sa Tigers. "Pero well still go out and win our game against Alaska."
Napigil ng Sta. Lucia ang kanilang four-game losing skid matapos talunin ang Coke, 122-75, noong Linggo. (R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am