Tuluyan nang lumabo ang pag-asa ng bansa na makabalik sa mundo ng basketball.
Eh kasi ba naman, may mga taong nagmamagaling at nagmamarunong sa Philippine basketball.
Kitang-kita ang ebidensiya na hawak ng mafia ang asosasyon na ito na naging dahilan ng pagkakasuspindi ng basketball sa international scene.
Haay kaloka talaga at nakakainis dahil ito yung mga taong nagpabagsak ng mga pangarap ng ating mga kabataan.
At ang taong ito ay hindi Pinoy, kahit ipaggiitan niyang Pinoy siya dahil wala sa hitsura at ugali ah!.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nasa Pilipinas pa rin ang taong ito gayung may deportation order na laban sa kanya.
May balita akong kinakanlong ito ng isang taong may koneksiyon sa isa pang tao na namamahala naman ng isa pang asosasyon sa sports.
Noong ibigay daw ang order ng BI sa deportation ng mamang ito ay nakalabas na ito ng bansa pero dahil sa mabigat na koneksiyon nakapasok uli ito sa ating bansang mahal.
Ano ba yan! Kalahi niya ang taong ito na tumutulong sa kanyang pagbabalik sa Pinas.
Nakakaawa naman ang mga Pilipino ( yung mga totoong Pinoy). Kasi ba naman, hinahayaan nilang hawakan sila ng mafia na ito sa larangan ng palakasang napili nila. Hindi lang basta hawak, kundi nakapalupot pa sila.
Walang ipagmamalaki ang mga taong ito at kahit sabihin nilang Pilipino sila dahil walang maniniwala. Sila kasi ang sumisira sa magandang kinabukasan ng mga tunay na Pilipino dahil sa pagkapit nila sa mga dayuhang mafia na ito.
At magbalik tayo sa taong pasaway (na hindi maipadeport). Ano kaya ang meron ito at ang lakas ng kapit dito sa Pinas gayung hindi naman siya totoong Pinoy?
Para sa akin hindi na baleng panghabang-buhay na tayong masuspindi sa larangan ng basketball wag lang makapamuhay hari ang mga taong ito na wala naman talagang malasakit sa basketball kundi ginagawa lang nilang front ang asosasyon para sa kanilang personal na interes at sinisira ang Philippine basketball, ang No.1 libangan ng mga Pinoy.
Kahit anong batikos at pagkondena ang gawin mo sa mga taong ito wala nang magagawa dahil mga kapalmuks ang mga ito at alam nilang kayang-kaya nilang paikutin ang ilang tao sa kanilang ginagawa at walang kumukontra dahil nga sa kanilang matitinding koneksiyon.
Yun lang!