^

PSN Palaro

Realtors may pag-asa pa

-
Bukod sa panalo, importante rin para kay coach Alfrancis Chua ang pagbabalik sa fighting form ng kanyang Realtors.

Bumangon ang Sta. Lucia mula sa isang four-game losing slump para ilampaso ang Coca-Cola, 122-75, at ibulsa ang isang playoff slot para sa ikaapat at huling outright quarterfinal berth sa wildcard phase ng 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.  

"We played great. Kung anong malas namin sa game namin against Air 21 last Friday, siya namang suwerte naman namin ngayong araw," ani Chua sa itinalang fifth all-time biggest winning margin ng Robles franchise kasabay ng pagtataas ng kanilang 11-9 kartada.

Pormal na ibubulsa ng Realtors ang ikaapat at huling outright quarterfinal ticket kung mananaig ang Alaska Aces (8-11) sa Air 21 Express (8-11) sa kanilang laro kagabi.  

Matapos isara ang first period tangan ang 28-15 abante, ipinoste ng Sta. Lucia ang 88-46 abante sa huling 1:53 ng third quarter patungo sa paglalatag ng isang 112-61 bentahe sa ilalim ng huling tatlong minuto sa final canto.

Nagbalik sa kanyang dating porma si 1998 Most Valuable Player Kenneth Duremdes matapos humakot ng 19 puntos para sa Realtors sa ilalim ng 21 ni rookie Kelly Williams, habang nagdagdag naman ng 17 si Paolo Mendoza at tig-11 sina Cesar Catli at Ricky Calimag.

Tuluyan namang nasipa sa kontensyon ang Tigers, nakakuha ng 22 marka kay John Arigo, 15 kay Denok Miranda at 13 kay MC Caceres, mula sa kanilang 6-14 rekord para tumapos bilang 9th placer sa torneo.

ALASKA ACES

ALFRANCIS CHUA

ARANETA COLISEUM

CESAR CATLI

DENOK MIRANDA

JOHN ARIGO

KELLY WILLIAMS

MOST VALUABLE PLAYER KENNETH DUREMDES

PAOLO MENDOZA

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with