Alaska nakurta sa Coca-Cola
January 6, 2007 | 12:00am
Minsan pang napatunayan na malaki ang nagagawa ng pagsisikap at pagtitiyaga.
Pinatotohanan ito ng Coca-Cola nang bumangon mula sa isang six-point deficit sa huling 1:30 ng overtime period upang igupo ang Alaska Aces, 99-98, sa pagsisimula ng wildcard phase ng 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Tumipa sina Allan Salangsang at Denok Miranda ng tatlong krusyal na three-point shots sa huling minuto para itaas ang baraha ng Tigers sa 6-13 at puntiryahin ang isang playoff berth para sa ikaapat at huling outright quarterfinals seat.
"When you play hard and you play together, sometimes you will be rewarded and get lucky. And we got lucky tonight," ani mentor Binky Favis sa Coke, kailangang walisin ang kanilang huling dalawang asignatura para makatiyak ng isang playoff slot.
Matapos iposte ng Aces, may 8-11 rekord ngayon na pumigil sa kanilang three-game winning streak, ang 94-88 abante sa huling 1:30 ng extension period, dalawang sunod na tres ang isinalpak ng 6-foot-6 na si Salangsang para idikit ang Tigers sa 96-98 agwat sa natitirang 25 segundo nito.
Ang mintis ni Tony Dela Cruz para sa huling posesyon ng Alaska, nagtala ng 46-35 abante sa first half, ang nagresulta sa tres ni Miranda sa pagtunog ng final buzzer patungo sa pagdiriwang ng tropa ng Coke.
"For us to get into the quarterfinals we need to win four straight games," ani Favis, nakahugot ng 24 puntos, 7 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 shotblock kay John Arigo kasunod ang 18 marka ni Miranda, 17 ni Will Antonio, 15 ni Ali Peek at 10 ni Salangsang.
Nauna rito, pinuwersa muna ng Coke ang laban sa five-minute overtime period, 87-87, mula sa dalawang freethrows ni Peek sa huling 8.0 segundo sa fourth quarter kasunod ang dalawang mintis nina Willie Miller at Belasco para sa Alaska.
Kumolekta si Miller ng 16 puntos, apat rito ay sa overtime, para pamunuan ang Aces kasunod ang 15 ni Jeffrey Cariaso, tig-12 nina Dela Cruz at Poch Juinio at 10 ni John Ferriols.
Coke 99--Arigo 24, Miranda 18, Antonio 17, Peek 15, Salangsang 10, Pacana 6, Misolas 5, Caceres 4, Gavino 0, Yeo 0, Ramos 0, Ferreria 0.
Alaska 98--Miller 16, Cariaso 15, Dela Cruz 12, Juinio 12, Ferriols 10, Thoss 8, Belasco 8, Laure 7, Hugnatan 5, Singson 5.
Quarterscores: 20-27; 35-46; 60-64; 87-87 (OT); 99-98.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am