Tagumpay at kabiguan ng sports sa 2006
January 1, 2007 | 12:00am
Isang malaking karangalan ang naidulot ng tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pac-quaio matapos ang mala-king tagumpay laban sa Mexican Legend na si Erik El Terible Morales nitong Nobyembre.
Sa deciding match ng kanilang trilogy fight pina-bagsak ni Pacquiao si Morales sa ikatlong round sa pamamagitan ng im-presibong knockout.
Ito ang nagbigay nang malaking karangalan sa sambayanang Pilipino na naging malaking balita sa larangan ng sports kaya ito ang napiling Top Sport Story of the Year ng Pilipino Star Ngayon.
Ngunit marami pang malalaking balita sa palakasan na sinubay-bayan sa mga pahaya-gan.
Nagbigay din ng kara-ngalan sa bansa sina cue artist Antonio Gabica, boxers Violito Payla at Joan Tipon at wushu artist Rene Catalan sa pagsubi ng apat na gintong pro-duksiyon ng Team Phi-lippines sa nakaraang Asian Games sa Doha, Qatar kung saan mayroon ding anim na silvers at siyam na bronzes ang bansa.
Kahit maagang nasi-bak ang mga pambatong sina Efren Bata Reyes, Django Bustamante at Alex Pagulayan, isinalba ng isang di kilalang cue artist na si Ronnie Alcano mula sa Pampanga ang pangalan ng bansa nang makopo nito ang titulo sa World Pool Champion-ships na ginanap dito sa bansa.
Naging laman din ng pahayagan ang achieve-ment ng mga mountain climbers na sina Leo Oracion, Pastor Emata at Roy Garduche na siyang mga kauna-unahang Pinoy na nakarating sa tuktok ng matarik at mapanganib na Mount Everest.
Nakopo ng Purefoods Chunkee ang titulo sa PBA Philippine Cup mata-pos nilang igupo ang Red Bull.
Sa collegiate basket-ball, isang malaking ta-gumpay ang pagkopo ng University of Santo Tomas sa korona ng UAAP bas-ketball bilang underdog matapos masilat ang early tournament leader na Ateneo De Manila Univer-sity.
Nakopo naman ng San Beda College ang basketball title sa NCAA mens basketball tourna-ment sa tulong ng Nige-rian na si Sam Ekwe na siyang tinanghal na Most Valuable Player at Rookie of the Year para agawin ang titulo sa Colegio de San Juan de Letran.
Hindi naman nagpa-huli si Efren Bata Reyes na nanalo ng tatlong titulo sa taong ito matapos maghari sa IPT World 8-ball championships para sa tumataginting na $500,000 na premyo gayundin sa Ho Chi Minh at Jakarta San Miguel 9-Ball Tours at World Cup of Pools.
Umugong din ang panga-lan ng bansa sa larangan ng bowling nang makopo ni Biboy Rivera ang World Mens Bowling Champion-ship sa Busan, South Korea laban sa mga bigating bowl-ers.
Marami ring kontrober-siyang bumalot sa sports at narito ang pinakamalalaking balita.
Ang pagkakasuspindi ng De La Salle University ng isang taon sa UAAP dahil sa pagpapalaro ng dalawang ineligible players noong 2004 sa kanilang pagkapanalo ng basketball title.
Ang hindi pa rin natata-pos ang gulo sa amateur bas-ketball na nagkaroon ng dala-wang grupo sa pagkakalikha ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ngunit hindi pa rin binabawi ng International Basketball Federation (FIBA) ang pagkakasuspindi ng bansa sa lahat ng internatio-nal tournaments na mangya-yari lamang kung maaayos ang isyu.
Ang pagmumulta ng kalahating milyon ng Red Bull Team, ang ikalawang pinaka-malaking multa sa kasaysa-yan ng PBA matapos mag-walk-out sa first half ng kani-lang semifinal game laban sa San Miguel Beer. Pinagmulta rin ng P100,000 si coach Yeng Guiao na pasimuno ng walk-out. ( Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended