Golden Boy umaasa pa rin kay Pacquiao
December 26, 2006 | 12:00am
Umaasa ang Golden Boy na tutuparin pa rin ni Pinoy ring idol Manny Pacquiao ang kanyang kontrata.
Malapit nang maubos ang oras ng Pinoy at nais ni Golden Boy Promotions president at Chief Operating Officer Richard Schaefer na panagutaan nito ang kontrata at gawin ang tamang paraan.
Ibig sabihin nito ay ang pagpapatupad sa naunang pinirmahan ni Pacquiao na 7-fight contract sa Golden Boy noong kalagitnaan ng Setyembre na magbibigay daan sa kanyang megabuck rematch kay World Boxing Council superfeatherweight champion Marco Antonio Barrera sa Marso.
Kung hindi, malamang na mas matuloy ang Barrera-Juan Manuel Marquez title fight at maiiwanan si Pacquiao para sa posibleng $5 million bout at pagkawala ng tsansang mapanalunan ang titulo.
Higit sa lahat umaasam din si Schaefer na sana i-extend din ni Pacquiao ang kanyang kontrata sa American manager na si Shelly Finkel na ayon kay Schaefer ay isang alamat sa larangan ng boxing.
"He (Finkel) is a good man, who has the best for Manny in mind," ani Schaefer.
Gayunpaman, napag-alaman na wala nang balak pang i-renew ni Pacquiao ang kontrata kay Finkel na mapapaso sa Enero 30.
Ayon pa sa bali-balita, binigyan ng tsansa si Los Angeles boxing agent Michael Koncz, na kailan lamang nakilala sa boxing, ang pinagbibintangang nagmamaniobra laban kay Finkel.
Namataan si Koncz na nasa kampo ni Pacquiao noong matapos ang laban nito kay Erik Morales noong Nobyembre 18 na siya ring nagsisilbing mata at taynga ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
"I hope that Pacquiao will have a wake-up call and that the time has come to stand up to be a man for his people, his fans, the sport of boxing and most importantly for himself," wika pa ni Schaefer, na umaasa ring hindi sana maimpluwensiyahan si Pacquiao ng mga nakapaligid sa kanya na sumasandal lamang sa Pinoy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended