^

PSN Palaro

Abaniel pinasiklaban ang Chinese lady boxer

-
Nagpasiklab ang outstanding amateur female boxer ng bansa na si Gretchen Abaniel sa pamamagitan ng four round majority decision laban sa hometown favorite na si Li Hai Li sa fight card sa Expo Garden Hotel sa Kunming, Yunnan, China noong Sabado ng gabi.

Iniskoran ng dalawang judges ang laban na pabor kay Abaniel ngunit nakita ng judge ang laban na draw ayon sa ulat.

Si Abaniel ay minamanage at trinitrain ang dating talented Australian boxer na si Terrance Mogg na nakatira dito sa bansa.

Si Abaniel na kumampanya sa amateur ng tatlong taon ay nanalo ng bronze medal sa World Championships sa Russia noong nakaraang taon.

Ito ang ikatlong profight ni Li matapos umiskor ng majority decision laban kay Liu Li noong August 15 at nalimitahan sa draw ni Liu Dan noong November 25.

Dinomina ng 21-gulang na Pinay pug mula sa Puerto Princesa ang lahat ng round ng four-round match sa pagpapakita ng kanyang kahanga-hangang punching power na hindi pa nasasaksihan sa minimum weight sa China.

Dahil sa kanyang mahusay na performance, si Abaniel ang paborito ng fight fans kaya’t nagdesisyon ang mga promoters na muling imbitahan ito para sa isa na namang laban sa susunod na taon.

vuukle comment

ABANIEL

EXPO GARDEN HOTEL

GRETCHEN ABANIEL

LI HAI LI

LIU DAN

LIU LI

PUERTO PRINCESA

SI ABANIEL

TERRANCE MOGG

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with