Pacquiao, Alcano, Oracion at 8 pa naglalaban

Magmula kay Manny Pacquiao, Ronnie Alcano hanggang kay Leo Oracion, ang gumawa ng malaking ingay sa taong ito para sa Philippine sport ang magiging mahigpit na magkaribal para sa Athlete of the Year award.

Ang nasabing tatlong atleta, kasama pa ang walong iba pa ang bumabandera para sa top award na ipinagkakaloob ng Philippine Sportswriters Association sa kanilangfAnnual Awards sa susunod na taon.

Muling nalagay si Pacquiao, three-time Athlete of the Year winner sa kontensiyon para s anaturang award kasama sina Alcano at ang kapwa niya cue artist na si Efren ‘Bata’ Reyes, bowler Biboy Rivera, Pastor Emata at Romy Garduche, at ang Doha Asian Games gold medalists na sina Antonio Gabica, Joan Tipon, Violito Payla at Rene Catalan.

Noong nakaraang taon, ang Team Philippines ang siyang tumanggap ng pinakamataas na karangalang iginagawad ng PSA matapos na maging overall champion.

"This is the first time in a long while that a longlist of contenders is vying for the Athlete of theYear award. It’s a clear proof that Philippine sports is very much alive," ani PSA president Jimmy Cantor.

Pinagwagian ni ng 28-anyos na si Pacquiao, nahirang na Athlete of the Year mula 2002-04, ang tatlong laban niya ngayong taon kabilang ang sensational na knockout na panalo laban sa Mexican warrior na si Erik Morales sa trilogy nila.

Si Alcano naman ay lumakas ang laban dahil sa kanyang pagsikwat kanyang panalo sa World Pool Championship na idinaos sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon.

Malaking panalo rin ang itinala ni Reyes ng kanyang dominahin ang inagurasyon ng World Cup of Pool sa South Wales, San Miguel Asian 9-Ball Tour at IPT World 8-Ball Championship sa Las Vegas.

Bunga ng kanyang mahusay na panalo sa World Men’s Bowling Championship sa Busan, South Korea, gumawa ng perfect game upang masikwat ang Masters crown laban kay Achim Grabowsky ng Germany, ito ang nagbigay ng malaking laban kay Rivera.

Show comments