Buong pusong ihahandog sa bayang Pilipinas at kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Apat lang na ginto ang naisubi ng ating mga atleta pero punum-puno ng pagmamalaki iyon dahil sa nakali-pas na taong paglahok ng Pinas sa Asian Games ito ang ikaapat na pinakamagandang pagtatapos natin na ang huli ay noong 1962.
Dapat nating ipagmalaki ang ating mga atletang bu-ong pusong lumaban para mabigyan ng karangalan ang bansa. Sila ang mga tunay na nagsakripisyo para sa ating bansa dahil wala silang premyong matatanggap sa kanilang nilahukan maliban sa insentibong ibigay ng ating pamahalaan.
Sila ang tunay na matatawag na bayani ng bansa sa larangan ng sports hindi tulad ng iba na malaki ang kinikita kapag napapasabak sa kanilang laban.
Iyon ang aking sariling opinyon. Mas dapat na mabig-yan ng pagkilala ang mga atletang sumasabak sa Asian Games at maging sa Southeast Asian Games.
Wala silang perang pinaglaban dito kundi medal-yang iuuwi bilang karangalan ng ating bansa.
Di ba mga kababayan?
Kaya nga hindi nila hinayaan makawala ang opor-tunidad na masilayan at masaksihan ang laban na ito. Hindi sa iisang lugar lang sila nagpunta kundi sa halos lahat ng venue na may nakasalang na atletang Pilipino ay pinuntahan nila. Kung hindi nga lang malayo ang ibang venue, susunod-sunurin nila ang pagtungo sa mga playing field para lang mag-cheer sa ating mga atletang Pinoy. Kaya lang hindi talaga nila kayang pun-tahan lahat. Gayunpaman, hindi naman nagpabaya ang ilang mga kababayan na suportahan ang mga atleta kahit sa malayong venue.
Iba talaga ang mga Pinoy.
Tunay na makikiramay sa kapwa Pinoy.
At ang lucky winner ngayon sa Doha Asiad ay si Judith Caringal ng Sports Radio dahil major grand prize ang kanyang nakuha. Isang Samsung LCD television. Magandang regalo ito kay Judith na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon. Happy happy birthday Judith.
Hello nga pala sa mga Filipino na nagtata-trabaho sa Debenhams-ang Rustans ng Doha na sina Benjie Beligan, Juliet Bedonia, Sheryl Estropia, Michelle Bado at Janet Chavez. Karamihan ng department stores at supermarket sa Doha ay pawang mga Pinoy ang sales lady at cashier.
Ooopps, happy birthday din nga pala kay Lize Ro-dillo (Dec.18), Alfred Bartolome (Dec.18), Bong Castro (Dec. 20).