Ngunit binigyang diin ng 6-foot-4 forward ang kanyang role sa Mail & More sa Philippine Bas-ketball League (PBL).
Pinuri ni coach Law-rence Chongson si Espiri-tu na ayon sa kanya ay isa sa defensive factors na naging susi ng double overtime win ng Comets laban sa Cebuana Lhuil-lier-Pera Padala, 95-90, sa Silver Cup nitong Hu-webes..
Tabla ang iskor sa 73, ipinuwersa ni Espiritu ang unang overtime nang ma-supalpal nito ang attempt ni Macky Es-calona ba-go maubos ang oras.
Maka-lipas ang ilang minuto, naihirit nito ang ikalawang overtime nang umiskor ito ng follow-up bago tumunog ang buzzer.
Ang kabayanihang ito ni Espiritu ang dahilan pa-ra igawad sa kanya ang Player of the Week honors ng PBL Press Corps.
"Coach just told me to crash the boards, get the rebounds and go hard," ani Espiritu na tumapos ng 10-puntos, 11 rebounds at tatlong blocks sa naturang mahigpitang labanan.
Ang tagumpay na ito ng Comets ang naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa Hapee-PCU Teeth Masters at Henkel Sista Super Sealers sa kani-lang magkatulad na 5-2 win-loss slate.
"We just have to keep our focus," dagdag ni Es-piritu, standout mula sa University of the East Warriors.
Samantala, nakatak-da ang PBL Showcase sa Miyerkules sa Olivarez College Sports Center kung saan inaasahang magpapasiklab sina hotshot JC Intal ng Harbour Cen-tre, 6-foot-8 Nige-rian Sam Ekwe ng Magnolia at Espi-ritu sa slamdunk competition.