^

PSN Palaro

Asiad medalists magbibigay pugay kay GMA

-
Nakatakdang magtungo sa Malacanang bukas ang mga atletang nag-uwi ng 4 gold, 6 silver at 9 bronze medals mula sa nakaraang 15th Asian Games sa Doha, Qatar para sa isang courtesy call kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

 Sa naturang okasyon, inaasahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na makukuha na rin ng mga gold, silver at bronze medalists sa 2006 Doha Asiad ang kanilang insentibo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 "I hope so na sana nga ay maihabol sa mga atleta ‘yung incentives nila in time for the courtesy call kay President Gloria Macapagal-Arroyo," ani PSC Commissioner Richie Garcia.

Sa Incentive Act, ang atletang mag-uuwi ng ginto mula sa Asian Games ay tatanggap ng P1 milyon, habang P500,000 at P100,000 naman para sa silver at bronze medal winners, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit ito ay dinagdagan pa ni Pangulong Arroyo ng P500,000 para sa ginto, P300,000 para sa pilak at P200,000 para sa tansong medalya.

"Siyempre, malaking halaga itong makukuha kong insentibo," ani billiards master Antonio Gabica na inaasahang tatanggap ng P2.3 milyon mula sa kanyang gold medal sa men’s 9-ball singles at silver medal sa 8-ball singles. "Siguro ilalagay ko muna sa bangko habang nag-iisip ako kung saan ko gagastusin."

Bukod kay Gabica, ang tatlo pang kumo-lekta ng ginto sa kani-kanilang events at ta-tanggap ng P1.5 milyon ay sina Violito Payla at Joan Tipon at wushu artist Rene Catalan.

Nag-ambag naman ng silver medal sina taekwondo jins Maria Antonette Rivero at Tshomlee Go, wushu expert Edward Fola-yang, cue master Jeffrey De Luna at karateka Marna Pabillore.  

Ang siyam na bronze medals ay nanggaling kina netter Cecil Mamiit at Eric Taino, tae-kwondo jins Veronica Domingo, Eunice Allora at Manuel Rivero, Jr., boxers Godfrey Castro at Genebert Basadre, wuhsu artist Noel Espinosa at golfer Michael Bibat.(Russell Cadayona)

vuukle comment

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

CECIL MAMIIT

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

DOHA ASIAD

EDWARD FOLA

ERIC TAINO

EUNICE ALLORA

GENEBERT BASADRE

GODFREY CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with