Mainit ang Mail & More
December 14, 2006 | 12:00am
Natapos na ang pamamayagpag ng dating nangungunang Hapee-PCU. At ang baguhang Mail & More naman ang siya ngayong nag-iinit.
Nasa kanilang three-game winning run, sasagupain ng Comets ang Cebuana Lhuillier Moneymen ngayong alas-2 ng hapon bago ang pagtatagpo ng TeleTech Titans at bagitong Kettle Korn-UST Pop Kings sa alas-4 sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa España, Manila.
Makaraang magposte ng matayog na 5-0 baraha, dalawang sunod na kabiguan ngayon ang inabot ng Hapee-PCU nang matalo sa Mail & More, 63-66, at sa Magnolia, 67-79.
Ang nasabing dalawang dikit na kabiguan ang nagtabla sa kanila ng Sista Super Sealers sa unahan buhat sa magkatulad nilang 5-2 kartada sa itaas ng Comets (4-2), Titans (3-2), Toyota Otis Sparks (3-2), Harbour Centre Port Masters (2-3), Moneymen (2-3), Spinners (2-4) at Pop Kings (0-6).
"The boys displayed their great character the last time after coming back from a huge deficit," ani mentor Lawrence Chongson sa 66-63 pagdaig ng kanyang Mail & More sa Hapee-PCU noong Sabado." But we should not stop from there. We should play with a lot of enthusiasm against Cebuana Lhuillier."
Nagmula naman ang Moneymen ni Luigi Trillo sa 69-77 pagkatalo sa Titans ni Jerry Codinera noong Huwebes.
Muling aasahan ng Comets sina JR Quinahan, Mike Bravo, Jim Viray, Nestor David, Ronjay Buenafe at Jorell Canizares laban kina Ken Bono, Doug Kramer, Macky Escalona, Erick Dela Cuesta at Mark Abadia ng Moneymen.
Sa ikalawang ikalawang laro, tangka ng Pop Kings ni Pido Jarencio na mapigil ang kanilang five-game losing slump sa kanilang pakikipagkita sa Titans ni Codinera, nasa isang two-game winning run. (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest