Tinalo ni Gabica si Jeffrey de Luna, 11-7 sa all-Pinoy finals ng 9-Ball pool event na ginanap sa Al-Sadd Sports Club, na punum-puno ng mga Filipino OFW at Pinoy volunteers.
"Im happy because were friends and there were no more pressures between us. We feel very happy both of us and we worked as a team," ani Gabica pagkata-pos ng laban habang binibiro pa ito ni De Luna.
Mahaba din ang pinagda-an ng 34 anyos na si Gabica, at silver medallist sa 8-Ball pool dito sa Doha, na maka-raang mag-bye sa una ay minasaker naman si Raed Ahmed Ali Humeed ng Bah-rain, 11-2 bago isinunod si Ibrahim Amir ng Malaysia, 11-5 sa round of 16.
Mahigpit na nakipagtum-bukan kay Meng Xu ng China sa quarterfinals, 11-8 na na-ging daan tungo sa pakiki-paglaban kay Busan Asian Games 9-Ball champion Young Hwa Jeoung ng South Korea, 11-5 para itakda ang all-Pinoy finals sa kababa-yang si De Luna.
"I am more confident because I won silver in 8 ball singles. When I lost the final I totally forgot the game and focused on the 9-ball event." dagdag ni Gabica.
Ang gold ni Gabica ay una din sa singles event ng billiards para sa Pilipinas sa Asian Games. Noong 1998 Bangkok Asian Games, naumit ng tambalang Gandy Valle at Romero Villanueva ang gold sa mens doubles at noong Busan Asiad naman ang tambalang Bustamante at Antonio Lining sa 9-ball doubles.
Sa kabuuan may isang gold at 2 silvers, isa kay De Luna, ang Philippine billiard team. (DMVillena)