^

PSN Palaro

Payla ginto rin: 2 gold sa Pinas

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Nanunuot sa mga kalamnan ng mga Filipino na nanood dito ang pag-alingawngaw ng Pambansang Awit sa loob ng Aspire Hall 5, makaraang isubi ni Violito Payla ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas dito sa 15th Asian Games.

Halos 16 oras pa lamang ang nakakalipas nang unang isukbit ni Antonio Gabica ang unang ginto para sa bansa makaraang talunin ang kababayang si Jeffrey de Luna sa all-Pinoy finals ng 9-Ball singles pool event sa Al-Sadd Sports Center, buong giting namang umakyat si Payla upang igupo si Somjit Jongjohor ng Thailand, ang defending champion sa flyweight division.

" We’re on the right track. Bukas (ngayon) we will go for the second gold," masayang wika ni Manny Lopez, ang pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines.

Buo ang loob ng tubong Cagayan de Oro na si Payla at determinasyong makamit ang gintong medalya, upang maibsan ang tagtuyot sa ginto ng Philippine boxing nang walang humpay nitong sinalanta ang Thai ang una para sa boxing sapul nang huli itong nakakuha noong 1994 Hiroshima Asiad nina Mansueto Velasco, Reynaldo Galido at Elias Recaido,

"I know that I have improved as he has beaten me three times," wika naman ni Payla hindi lumabas ng kanyang kuwarto sa Athlete’s Village maliban lamang kung kakain. "I am looking to getting the gold in the Olympic Games for the Philippines. At alay ko rin ito sa mga Pinoy na nagpunta at pinanood ang laban ko dito."

Nakatakdang umakyat sa ring para sa isang gintong pagkakataon si Joan Tipon na haharapin ang Koreano na si Soon Chul Han sa bantamweight division sa ganap na alas-2:15 ng hapon (7:15 pm sa Manila).

Bukod sa ginto ni Gabica at Payla, may 4 silvers at 8 bronze na ang Pilipinas.

Naka-silver sina Thsomlee Go, Ma. Antoinette Rivero gayundin sina De Luna at Gabica sa kanilang singles event.

Tatlong bronze ang isinukbit ng mga RP jins dalawa sa boxing at isa sa golf noong Lunes, dagdag pa dito ang bronze medal ni Fil-Am netter Cecil Mamiit sa tennis men’s singles event sa doubles kasama si Eric Tainio at isa sa karate mula kay Noel Espinosa sa men’s individual Kata ng karate event sa Doha Sports Club.

AL-SADD SPORTS CENTER

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTOINETTE RIVERO

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

ASPIRE HALL

CECIL MAMIIT

DE LUNA

DOHA SPORTS CLUB

PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with