Ang bowling ay isa sa inaasahang magbibigay ng gintong medalya dito sa 15th Asian Games kung saan isa sila sa nagbigay ng gold sa 2002 Busan Asian Games. Ngayon walang maipagmamalaki ang bowling team dahil nga ni kahit anong medalya ay walang maiuuwi ang mga ito.
Sabi tuloy ng ating mga kababayan siguro dapat bumili na lang sila ng gold sa Souq (lugar ng pamilihan ng kahit ano dito sa Qatar) para makapag-uwi ng ginto. He, he he.!!!
Siguro dapat na pag-aralan ng ating bowling officials kung saan nagkamali at kung ano ang mga dapat gawin. Dapat ding repasuhin nila ang lahat. Siguro magmula sa coaching staff hanggang sa mga players.
Ano sa palagay nyo?
Hataw naman ang taekwondo jins natin kahit na sil-ver lamang ang nakukuha ng mga ito.
Aba, isipin mo na lang na sa Korea nagsimula ang sports na ito kaya siguro naman asahan natin ang dominasyon nila sa sports na ito.
At kahit silver lang si Marie Antoinette Rivero, napa-nood namin kung papaano siya lumaban ng husto sa Koreanang nag-champion.
Injured pa si Rivero, pero hindi niya ininda yon.
Kinabukasan nang dalawin namin siya sa Athletes Village, napansin naming magang-maga ang kanyang paa at panay mga pasa.
At oo nga pala, balak na rin palang bumalik ni Toni sa pag-aaral. Balak nitong kumuha ng Communication Arts sa De La Salle University.
Nakakatuwang isipin na ang mga medalya natin ay galing sa combat sports. Bukod sa billiards kung saan silver si Antonio Gabica, karamihan sa medalya natin tanso man o pilak ay galing sa sports ika nga ng mga taga rito ay bakbakan.
"Magaling talaga sa away ang mga Pinoy," pag-bibiro ni Allan Torres na nagta-trabaho sa Aras Interna-tional Express Cargo na isa umano sa may-ari ay ang Pinoy na si Amable Aguiluz IV.
"Tingnan mo tita, di ba sa taekwondo at boxing tayo may medal," wika pa ni Allan, na ang isang kapatid nitong si Bernie ay isang boksingero din na nakasama at sparring partner ni Gerry Peñalosa.