^

PSN Palaro

Anong nangyari sa bowling?

SPORTS - Dina Marie Villena -
DOHA -- Ano kaya ang nangyari sa ating bowling team at hindi nakapagdeliber ng medalya? Ito ang tanong ng karamihan maging ng mga OFW na naririto sa Doha.

Ang bowling ay isa sa inaasahang magbibigay ng gintong medalya dito sa 15th Asian Games kung saan isa sila sa nagbigay ng gold sa 2002 Busan Asian Games. Ngayon walang maipagmamalaki ang bowling team dahil nga ni kahit anong medalya ay walang maiuuwi ang mga ito.

Sabi tuloy ng ating mga kababayan siguro dapat bumili na lang sila ng gold sa Souq (lugar ng pamilihan ng kahit ano dito sa Qatar) para makapag-uwi ng ginto. He, he he.!!!

Siguro dapat na pag-aralan ng ating bowling officials kung saan nagkamali at kung ano ang mga dapat gawin. Dapat ding repasuhin nila ang lahat. Siguro magmula sa coaching staff hanggang sa mga players.

Ano sa palagay nyo?

Hataw naman ang taekwondo jins natin kahit na sil-ver lamang ang nakukuha ng mga ito.

Aba, isipin mo na lang na sa Korea nagsimula ang sports na ito kaya siguro naman asahan natin ang dominasyon nila sa sports na ito.

At kahit silver lang si Marie Antoinette Rivero, napa-nood namin kung papaano siya lumaban ng husto sa Koreanang nag-champion.

Injured pa si Rivero, pero hindi niya ininda yon.

Kinabukasan nang dalawin namin siya sa Athletes’ Village, napansin naming magang-maga ang kanyang paa at panay mga pasa.

At oo nga pala, balak na rin palang bumalik ni Toni sa pag-aaral. Balak nitong kumuha ng Communication Arts sa De La Salle University.

Nakakatuwang isipin na ang mga medalya natin ay galing sa combat sports. Bukod sa billiards kung saan silver si Antonio Gabica, karamihan sa medalya natin tanso man o pilak ay galing sa sports ika nga ng mga taga rito ay bakbakan.

"Magaling talaga sa away ang mga Pinoy," pag-bibiro ni Allan Torres na nagta-trabaho sa Aras Interna-tional Express Cargo na isa umano sa may-ari ay ang Pinoy na si Amable Aguiluz IV.

"Tingnan mo tita, di ba sa taekwondo at boxing tayo may medal," wika pa ni Allan, na ang isang kapatid nitong si Bernie ay isang boksingero din na nakasama at sparring partner ni Gerry Peñalosa.
* * *
Personal: Happy birthday sa aking bunso na si Lorraine Jane sa December 13. Happy Birthday din kay Clio Marie Ocampo (Dec. 5) sa aking inaanak na si Kim Rodriguez (Dec 9.) sa pamangkin ko na si Alyanna Pableo sa Dec. 12, Pareng Nat Canson (Dec. 12), Pareng Jun Limpot (Dec. 14), Greg Esplana (Dec. 15), Angel Enriquez (Dec. 17) Alfred Bartolome (Dec. 18), kay Lize Rodillo, ang dearest friend ko sa US (Dec. 18) Mario Geocada (Dec.19) at dito sa landlady ko na si Ate Amina Guiamaden sa Dec. 16.

ALFRED BARTOLOME

ALLAN TORRES

ALYANNA PABLEO

AMABLE AGUILUZ

ANGEL ENRIQUEZ

ANO

ANTONIO GABICA

DEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with