Port Masters, Titans babangon

Bukod sa Toyota Otis, kasalukuyan pa ring du-madaan sa isang ‘transi-tion period’ ang Harbour Centre matapos umakyat sa professional league sina LA Tenorio at Joseph Yeo. 

Matapos pagharian ang 2006 PBL Unity Cup kontra Sparks ni Louie Alas mula sa pagiya nina Tenorio at Yeo, nasa ika-apat na posisyon ngayon ang Port Masters ni Jorge Gallent sa ilalim ng Ha-pee-PCU Teethmasters (5-1), Sista Super Sealers (4-2), Mail & More Comets (4-2), Toyota Otis (3-2) at TeleTech Titans (3-2)

Asam na makaangat sa grupo, kakatagpuin ng Harbour Centre ang Sista sa ganap na alas-2 ng hapon bago ang bang-gaan ng Hapee-PCU at Magnolia sa alas-4 sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa Emilio Agui-naldo College Gym sa Taft Avenue.

 Muling aasahan ng Port Masters sina Chico Lanete, Jerwin Gaco, Chad Alonzo at mga ba-gong hugot na sina JC In-tal, Al Vergara, Reed Jun-tilla at Marvin Ortiguerra kontra kina Marcy Arel-lano, Kelvin Gregorio, Jam Alfad, Eder Saldua at ang nagbabalik na si 6-foot-9 Samigue Eman.

 Sa 77-69 panalo ng Super Sealers sa Cebua-na Lhuillier Moneymen, 3 puntos lamang ang nai-ambag ng tubong Davao City na si Eman para sa kanyang kauna-unahang laro.

 "We can’t force him to play longer. Still I am satisfied with the way he played, but I expect him to be more aggressive next time," sabi ni coach Caloy Garcia kay Eman.

 Sa ikalawang laro, ta-tangkain naman ng Teeth-masters na makabangon mula sa isang 63-66 ka-biguan sa Comets noong Sabado na nagmantsa sa kanilang dating malinis na 5-0 rekord.

 Katulad ng Hapee-PCU ni Jun Noel, inaasa-han ring babawi ang Magnolia ni Koy Banal, may 1-5 baraha sa ilalim ng Cebuana Lhuillier (2-3) kasunod ang bagitong Kettle Korn-UST (0-6), mula sa kanilang 70-76 pagyukod sa TeleTech. (RCadayona)

Show comments