^

PSN Palaro

Bokya sa bowling

-
DOHA -- Dismayado ang lahat sa performance ng Philippine Bowling Team sa 15th Asian Games na ginaganap dito.

Pero sino ang dapat sisihin?

Ang Pinoy bowlers ang isa sa inaasahang makapag-uuwi ng medalya ngunit kahit isa ay wala itong naisukbit.

Isa ang bowling sa nakapagdeliber ng ginto noong 2002 Busan Asian Games mula sa tambalan nina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista sa men’s doubles. Si Nepomuceno lamang ang naglaro at wala si Bautista.

Gayunpaman, hindi dapat maging dahilan ito.

Ilang beses din nangamoy ang gintong medalya ngunit sa katapusan ng laro ay bigo at ni bronze ay hindi nahagip.

Ang pinakamagandang tinapos ng Pinoy bowlers ay fifth place sa men’s doubles nina Tyrone Ongpauco at Markwin Tee kung saan ang Saudi Arabia ang sumungkit ng ginto.

Pang-anim lamang ang men’s trios nina CJ Suarez, Biboy Rivera at Tee at pumasok sa 9th place si Rivera, ang reigning world champion sa singles na pinamunuan ng Indonesian. Pang-11th lamang dito si Tee.

Wala ring nagawa si Tee, ang SEA Games Masters titlist na tanging 13th place lamang ang inokupahan.

Sa panig ng mga kababaihan, pumanglima ang team-of-five nina Liza del Rosario, Irene Garcia, Daisy Posadas, Liza Clutario at Jojo Canare na napagwagian ng Malaysia. At sa women’s doubles, ikaanim sina Posadas at Clutario na pinagreynahan ng Singapore habang ang Pinay troika nina Del Rosario, Posadas at Canare ay pampito.(DMVillena)

vuukle comment

ANG PINOY

ASIAN GAMES

BAUTISTA

BIBOY RIVERA

BUSAN ASIAN GAMES

DAISY POSADAS

DEL ROSARIO

GAMES MASTERS

IRENE GARCIA

JOJO CANARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with