^

PSN Palaro

Beermen nilango ang Tigers

-
Katulad ng inaasahan, madaling nailigpit ng San Miguel Beer ang Coca-Cola dahil sa kabila ng hindi pag-upo ni head coach Chot Reyes sa bench, nailista pa rin ng Beermen ang kanilang ikaapat na sunod na panalo makaraang igupo ang Tigers, 108-91, tampok ang 19 puntos, 9 rebounds at 3 assists ni Danny Seigle sa 2006 PBA Philippine Cup kahapon sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Agad na kinontrol ng San Miguel, may 10-5 rekord ngayon sa ilalim ng Ginebra (10-4) at kasunod ang Red Bull Barakos (10-6), ang laro matapos kunin ang first half, 60-40, patungo sa kanilang 83-61 abante sa Coke, nahulog sa 4-12, sa third quarter.

 At mula rito ay hindi na lumingon pa ang mga Beermen, kinuha ang 108-89 bentahe sa huling 36 segundo mula sa isang slam dunk ni rookie Gabby Espinas, sa Tigers.

Pipilitin ng Sta. Lucia na makabangon mula sa isang three-game losing skid sa kanilang pakikipagtagpo sa Welcoat ngayong alas-4:05 ng hapon bago ang banggaan ng Talk ‘N Text at Air 21 sa alas-6:30 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Minamalas ang Realtors, nagmula sa 101-103 overtime loss sa Purefoods Chunkee Giants para sa magkatulad nilang 9-6 baraha kumpara sa 3-12 kartada ng Dragons, nasa isang six-game losing slump kung saan ang huli nilang kabiguan ay mula sa Red Bull, 78-97.

Sa ikalawang laro, asam ng Phone Pals na maduplika ang 109-96 pananaig sa Realtors sa kanilang pakikipagkita sa Express.(RC)

BEERMEN

CHOT REYES

CUNETA ASTRODOME

DANNY SEIGLE

GABBY ESPINAS

LUCENA CITY

N TEXT

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

PUREFOODS CHUNKEE GIANTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with