^

PSN Palaro

Hayyy!... Bokya pa rin!

-
DOHA – Tunay na mailap pa rin ang medalya para sa mga Filipino at maging ang mga OFW na naririto ay naiinip na kung kailan makakakuha ng medalya, may ilang araw na lang ang nalalabi sa 15th Asian Games na ginanap ditto.

Noong Martes ng gabi, maaliwalas ang mukha ng mga Pinoy nang bumulusok sa ikalawang posisyon ang Pinoy trios nina Paeng Nepomuceno, Chester King at Tyrone Ongpuaco sa unang block ngunit sa pagpapatuloy kahapon ng laro, bumagsak na sa ikalimang posisyon ang Pinoy trios.

Mailap din ang suwerte sa mga Pinay bowlers na sina Ma.Liza del Rosario, Mary Ann Daisy Posadas at Josephine Canare na pampito sa kanilang pina-gulong na 3664 sa likuran ng nangunang Korean trios na may 3983.

Ang isa pang tatluhan na sina Liza Clutario, Irene Garcia Benitez at Ma. Cecilia Yap ay pang-11th place na may 3,501 pinfalls.

Hindi rin umubra ang rtikas ni Joven Francis nang yumuko ito sa kalabang Thai na si Angkhan Chumphu-phuang ng Thailand, sa pamamagitan ng Compulsary Count Limit (CCL) may 1:48 ang oras sa ikatlong round.

Sa shooting tumapos lamang sa ika-17th place ang multi-titled shooter ng bansa na si Nathaniel "Tac" Padilla, kung saan hamakot ng mga Chinese ang unang tatlong posisyon.

"World champion ang mga kalaban natin at whole year round ang kanilang pagsasanay," tanging wika ni Padilla, na nakatakdang umuwi kahapon ng gabi.

Sa Aspire hall, patuloy ang pagtatangka ni Roel Ramirez, na makapag-uwi ng kahit anong kulayn ng medalya sa kanyang paboritong vault sa men’s artistic gymnastics.

Sasabak na rin ang Pinoy jins sa pagsisimula ng taekwondo competitions sa Qatar Sports Club.

Papagitna sina Kirstie Elaine Alora (women’s fin-weight), Veronica Domingo (women’s lightweight), John Paul Lizardo (men’s finweight) at Donald Geisler (men’s lightweight).

Muling lalangoy sa Hammad Aquatic Center sina Ryan Arabejo, Miguel Molina, Gerard Bordad, Erica Tot-ten, Marichi Gandiongco at men’s 4x100m medley relay.

Sasargo din ang ating cue artists na sina Antonio Gabica at Leonartdo Andam sa men’s 8 ball, Jeffrey de Luna at Antonio Gabica sa men’s 9-ball, at Reynaldo Grandea sa men’s carom kontra naman sa Vietnamese.

Susulong naman ang round 2 sa Mixed team ng chess kung saan lalaro sina IMs Ronald Debleo, Darwin Laylo at Jedara Docena.

At sa West Bay Lagoon, sasagwan si Nilo Cordova sa men’s lighweight singles sculls.

Nagmukhang kawawa ang Philippine baseball team nang hindi man lang nakahagip ng isang panalo sa 6-teams baseball event makaraang yumuko sa Thailand, 8-1 sa kanilang huling laban. (Dina Marie Villena)

ANGKHAN CHUMPHU

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

CECILIA YAP

CHESTER KING

COMPULSARY COUNT LIMIT

DARWIN LAYLO

DINA MARIE VILLENA

MEN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with