Humaltak ang Cebuano slotman ng 21 puntos, 9 re-bounds, 4 shotblocks at 2 assists para ihatid ang bagi-tong Mail & More sa 67-58 paggupo sa Magnolia Dairy Ice Cream sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Letran College Gym sa Intramuros.
Kumolekta ang 6-foot-5 na si Quinahan ng 10 mar-ka sa third period kung saan lumayo ang Comets patu-ngo sa kanilang two-game winning streak at 3-2 sa kabuuan.
Kumalawit naman si 68 Nigerian Samuel Ekwe ng team-high 18 puntos para sa Spinners, may 1-3 kartada ngayon, kasunod ang 9 ni Yousif Aljamal, walang nais-kor sa fourth quarter.
Matapos kunin ang first period, 14-13, kumamada ng 27 puntos ang Mail & More sa kabuuan ng second quarter upang iwanan ang Magnolia sa 41-31 bago ilista ang malaking 59-42 abante sa pagbungad ng final canto.
Sapat na ang nasabing bentahe para dumalawa ang Comets matapos mangga-ling sa kumbinsidong 65-58 paggapi sa Sista Super Sealers noong Sabado.
Nag-ambag si Marvin Yambao ng 10 marka para sa Mail & More kasunod ang tig-8 nina Mike Bravo at Nestor David. (RCADAYONA)