Matapos na mawalis ang pre-season tournament, 5-0, abay natalo ang Alaska Milk sa Red Bull, 99-93 sa kauna-unahang official game ng PBA sa Guam. Masamang pangitain iyon!
Bagamat nagwagi sila sa kanilang sumunod na laro kontra Coca-Cola, 99-84, wala ring nangyari sa umpisa ng kampanya ng Aces dahil sa nagkasunud-sunod ang kanilang pagkabigo. Nagkasunud-sunod din ang kanilang kamalasan dahil dalawang key players ang nagkaroon ng injuries.
Dalawang games ang na-miss ng power forward na si John Ferriols samantalang inoperahan sa tuhod ang lead point guard na si Mike Cortez matapos lang ang apat na games. Baka sa susunod na season na siya magbalik sa active duty!
Ang pagkawala ni Cortez ay isang napakalaking dagok sa kampanya ng Aces. Kasi nga, siya ang pinang-gagalingan ng plays nila. Kahit pa sabihing hindi kaila-ngan ang point guard sa sistemang "triangle offense" ni Cone, hindi puwedeng balewalain ang kontribusyon ng manlalarong tinaguriang "Cool Cat."
Pansamantalang napatid ang kamalasan ng Aces nang magposte sila ng tatlong sunud-sunod na panalo kontra Welcoat Dragons (97-91) , Talk N Text (110-105) at Red Bull (105-94) para sa 5-7 record.
Pero nagwakas ang kanilang winning streak sa General Santos City noong Sabado nang silay talunin ng San Miguel Beer. Sa larong iyon ay nilamangan sila ng Beermen ng 19 puntos sa first half at naghabol na lang sila at kinapos.
Abay kung talagang tumaas ang morale ng Aces sa sunud-sunod nilang panalo, hindi sila matatamba-kan ng Beermen sa first half. Dapat ay bumuhos pa sila nang husto.
Sa tutoo lang, naunang dumating sa General San-tos City ang Aces dahil Huwebes pa lang ay nando-on na sila. Sa kabilang dako, ang Beermen ay dumating noong Biyernes. Aandap-andap pa nga ang tsansa ng Beermen na makasakay ng eroplano dahil sa bagyong Reming.
So, ibig sabihin ay parang sitting pretty na ang Aces at napaghandaan na nila nang husto ang kanilang kalaban. Pero wala pa ring nangyari sa kanila!
Dahil sa 5-8 na ang kanilang record, medyo mahihi-rapan na ang Alaska Milk na makamit ang isa sa dala-wang automatic semifinals berths sa pagtatapos ng doule round elims. Puwedeng ang tatlong automatic quarterfinals berths ang kanilang puntiryahin ngayon pero kung patuloy silang magiging inconsistent, baka pati iyon ay makahulagpos sa kanila.
Kung malalaglag sila sa "wild card" phase, magde-delikado ang kanilang tsansang makopo ang titulo sa kasalukuyang conference. Pero kahit paanoy may tsansa pa rin sila.
Balewala ang ipinakitang buti ng Aces sa pre-season tournament. Inilabas nila ang kanilang makakaya kontra sa mga koponang nagtago ng kanilang tunay na lakas!