Tinalo ng 20-anyos na si Bautista ang 33-anyos na si Brazilian super bantamweight champion Giovanni Andrade via 4th round stoppage kahapon sa St. Pete Times Forum sa Tampa, Florida, USA.
Ang naturang tagumpay ang nag-angat sa ring record ng pambato ng Bohol sa 21-0 tampok ang 16 knockouts, habang ang nasabing kabiguan naman ang pang 10 ni Andrade mula sa kanyang 52 panalo.
Halos ayaw nang umalis sa kanyang corner si Andrade sa pagsisimula ng fourth round bunga ng pagpulbos sa kanyang dibdib ni Bautista sa unang tatlong rounds ng kanilang upakan.
"He hit me with too many body shots, and everytime they landed, I felt like I was being stabbed," reklamo ni Andrade sa ginawang paggulpi sa kanya ni Bautista.
Si Bautista, sinanay ni American trainer Freddie Roach sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, ang kasalukuyang No. 1 contender sa super bantam-weight division ng World Boxing Organization (WBO).
Ang lahat ng tatlong judges ay pumabor kay Bautista sa kabuuan ng tatlong rounds bago su-muko si Andrade sa fourth round bunga ng kaka-pusan ng paghinga. (RCadayona)