^

PSN Palaro

Asiad pinaghandaan ng RP wrestlers

-
Pitong Filipino wrestlers na preparado at nagsanay ng husto ang magtatangkang wakasan ang limang dekadang pagkauhaw ng bansa sa wrestling gold medal sa kanilang pagkampanya sa 15th Asian Games na nagbukas kahapon sa Doha, Qatar.

"As compared to the Busan four years ago, we have now more prepared and well trained wrestlers going to Doha Asian Games are hoping to end 52-year medal drought," pahayag ni  Vincent Piccio III, wrestling president sa SCOOP session sa Kamayan Restaurant sa Malate kahapon.

Para mapalawig ang kanilang skills at techniques, ipinadala ang mga wrestlers sa abroad para magtraining at darating na rin sina freestyle specialists at SEA Games gold medallists Jimmy Angana at Marcus Valda kasama si Jerry Angara mula sa two-month training sa Mongolia.

Nagsanay din sina SEAG silver winners Margarito Angana at Michael Baletin ng isang buwan sa Korea habang sina Cristina Villanueva at Gemma Silverio ay galing sa 15-day training sa Japan.

"Unlike before where we confined our athletes in one training venue but now we have sent them in different countries like Mongolia which is famous in freestyle and Korea in Greco-Roman and we can see in Doha, how far they improved," ani Piccio.

Ayon kay Piccio ang World championship experience ng koponan sa China kamakailan lamang ay nagpalakas ng kumpiyansa ng RP wrestlers para sa Doha meet.

"It’s the first time that we have sent nine-member RP team in a World wrestling championships and although, we were dominated there, the experience is enough to boost their morale," ani Piccio, na mangunguna sa wrestling team na aalis sa Dec. 5.

Huling nanalo ng medal sa wrestling ang Philippines noong 1954 nang maghost ang bansa at nanalo ng silver at bronze medals.
May misyon din ang athletics team
Gaya ng wrestlers, hangad din ng RP athletics team na iuwi ang unang medalya sapul noong 1986 Seoul games nang magsubi si Asian sprint queen Lydia de Vega ng back-to-back gold medal.

Dumalo din sa lingguhang sports forum sina SEAG at RP record holders Henry Dagmil (long jump) at Arniel Ferrera (hammer throw), kasama sina national coach Luisito Artiaga para wakasan ang 20-taong paghihintay ng medalya sa naturang sport.

Armado ng dalawang buwang training sa United States, umaasa si Dagmil na makapasa sa eight-meter mark para makapasok sa medal stage kahit na makakatapat niya ang limang world class kabilang ang world champion mula sa Saudi Arabia na tumalon ng 8.49 meters sa World championship kamakailan lamang. 

Aalis sina Dagmil at Ferrera sa Dec. 3 kasama ang iba pang miyembro ng athletics team na sina Eduardo Buenavista, Danilo Fresnido, Rene Herrera, Julius Nierras, Ernie Candelario, Joebert Delicano, Mercedita Manipol, Lerma Gabito, Marestella Torres, Beatriz Salvador (team manager), Artiaga at Isidro del Prado (coaches). 

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

BEATRIZ SALVADOR

CRISTINA VILLANUEVA

DAGMIL

DANILO FRESNIDO

DOHA

DOHA ASIAN GAMES

PICCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with