"Okey lang naman ang pressure. Ensayado po naman tayo," sabi ng 24-gulang na Southeast Asian Games bantamweight champion.
Si Tipon ay isa sa 93 athletes at officials na dumating noong Martes ng gabi, tatlong araw bago magbukas ang Doha Asiad.
Ang malaking grupo ng athletes at officials ay sinalubong nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez, delegation chef de mission, at Commissioner Richie Garcia.
"I still believe we can win five gold medals here, sabi ni Ramirez na umaasa ng ginto sa bowling, bil-liards, boxing, taekwondo, karate at wushu.
Nanalo ang mga Filipinos ng tatlong gold, pitong silver at 13 bronze medals noong 2002 sa Busan, South Korea.
Ang silver ay galing kay Tanamor na tinanggal sa team bilang disciplinary action kayat nabawasan ang potential gold medal winner ng RP squad.
Ngunit handa si Tipon na punan ang pagkawala ng 23-gulang na si Tanamor.
"May tiwala naman ako sa aking mga teammates," sabi ni Tipon na nanalo sa dalawang international tournaments sa Pakistan at Finland sa taong ito.
Lima sa eight-man boxing team ay wala gaanong international experience, kabilang si Godfrey Castro na pumalit kay Tanamor. Ngunit tinalo ni Castro si Tanamor sa tune-up bout sa Baguio.
Ang iba pang miyembro ng boxing team ay sina light welterweight Delfin Buholst, featherweight Anthony Marcial, welterweight Francis Joven at Wilfredo Lopez.
Bukod sa boxing, team dumating din ang delegas-yon ng swimming, beach volleyball, chess, gymnas-tics, judo, sepak takraw, shooting, soft tennis at weightlifting. Naunang dumating ang sailing team noong Nov. 16 kasunod ang baseball, table tennis, rowing at equestrian teams noong Nov. 26.