Hapee natuwa sa win No. 5
November 29, 2006 | 12:00am
Kinubra ng Hapee Toothpaste ang ikalimang sunod na panalo matapos ang 76-67 pamamayni l sa TeleTech kagabi sa pagpapatuloy ng PBL Silver Cup sa Olivares Sports Center sa Paranaque.
Sa unang laro, umiskor si Kelvin Gregorio sa ilalim mula sa assist ni Marcy Arellano bago maubos ang oras tungo sa 80-78 panalo ng Henkel-Sista laban sa Kettle Korn-UST.
Nilukuban nina Larry Rodriguez at Mark Borboran ang mahinang produksiyon ni Jason Castro sa pagkamada ng tig-11 puntos sa ikaapat na quarter tungo sa come-from-behind win ng Hapee-PCU.
Pinangunahan ni Rod-riguez ang Teethmasters sa kanyang 21-puntos at 18 kay Borboran sa kanilang pagpapalasap sa Titans na matagal na hinawakan ang trangko, ng ikalawang talo sa 3-laro.
Nagkaroon ng puntos umiskor ng 20-puntos ang Hapee kontra sa apat na puntos lamang ng Titans.
Muntik nang madala ng Kettle Korn ang laro sa overtime nang umiskor si Anthony Espiritu ng tres na nagtabla ng iskor sa 78-all ngunit nauwi ito sa wala matapos malasap ang ikalimang talo sanhi ng kanilang pagkabaon sa kulelat na posisyon. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am