^

PSN Palaro

Pacquiao, Alcano inspirasyon ng RP athletes sa Asian Games

-
DOHA, Qatar – Ang nakaraang tagumpay nina featherweight boxer Manny Pacquiao, billiards king Ronnie Alcano at multi-titled keglers Biboy Rivera at Jojo Canare sa world sports arena ay magsisilbing inspirasyon sa mga atletang Filipino na sasabak sa Dec. 1-15 Asian Games sa oil-rich Gulf nation na ito.

Ito ang sinabi nina Philippine Sports Commission chairman, Chef de Mission William "Butch" Ramirez, at ang kanyang deputy CDMs at PSC commissioners Ricardo "Richie" Garcia at Joey Mundo gayundin ng Asian Games secretariat head Mauricio Martelino, na nanguna sa Team Philippines’ advance party dito para sa 15-day, 45-nation conclave.

Isang positibong indikasyon ang panalo Pacquiao, Canare at Rivera at Alcano ayon kina Ramirez at Garcia.

"That’s why we are upbeat," wika ni Garcia na nagsabi ring maganda ang ipapakita ng mga atleta sa 2006 edition ng biennial meet na ito na ikalawang pagkakataon pa lamang gaganapin sa Arabian Peninsula mula nang ihost ito ng Iran noong 1974, kumpara noong Busan 2002.

Idinagdag ni Garcia na matagal na pinaghandaan ito ng mga atleta na sinimulan na pagkatapos na pagkatapoos pa lamang ng Southeast Asian Games noong nakaraang taon kung saan naisubi ng bansa ang overall title sa pagkopo ng 113 golds.

Kamakailan lamang nanalo si Pacquiao laban kay Mexican Erik Morales sa Las Vegas para sa world super featherweight crown, habang ang internationalists na sina Canare at Rivera ay nagpasiklab din sa world bowling finals. Ginulantang naman ng 34-gulang na si Alcano, isang unheralded cue artist, si German champion Ralf Souquet sa World Pool Championship sa Manila.

Halos kumpleto na ang cast ng 349-member Team Philippines para sa Doha Games na magsisimula sa Biyernes sa bagong gawang 50,000-seater Khalifa National Stadium, at magsisilbing inspirasyon ang mga panalong ito. Nanunuluyan ang mga atleta sa Building No. 6 ng Athletes Village kung saan makakasama nila ang India.

vuukle comment

ALCANO

ARABIAN PENINSULA

ASIAN GAMES

ATHLETES VILLAGE

BIBOY RIVERA

BUILDING NO

CANARE

DOHA GAMES

GARCIA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with