P300, Suweldo Ni Manny Noon
November 24, 2006 | 12:00am
Ngayon ang pagbabalik sa ating bansa ni Manny Pacquiao.
Isang heros welcome ang naghihintay sa kanya.
Marami ring mga politiko ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.
Makikisawsaw, makikisakay, makiki-picture na naman ang mga politikong ito na tatakbo sa susunod na eleksyon.
Dalang boxing promoters na parehong bigatin ang nag-aagawan kay Manny.
Na tiyak na mauuwi pa sa demandahan.
Ang sarap pakinggan na dalawang mala-higanteng sports figures ang nagkakagulo para lang maangkin si Manny Pacquiao.
Bongga talaga si Manny!
First time lang yata yan nangyari sa isang Filipino sports hero.
Eh paanong di mag-aaway yang dalawang yan eh pera na ang pinaglalabanan dyan.
Sa mundo daw kasi ng boxing, puro pera lang ang labanan.
At dahil malaking pera ang tiyak na makukuha ni Manny sa mga susunod pa niyang laban, ayan, pinag-aawayan na talaga siya.
Pero sa girtna ng lahat ng ito, hindi na nakikita ang mga original na managers ni Manny Pacquiao.
Ang mga taong nung nag-uumpisa pa lang siya eh nandyan at umaruga sa kanya at nagtiyagang mag-alaga at tunay na naghirap para kay Manny.
Nung sumikat na si Manny, parang mga buwitreng nagsulputan ang mga Amerikanong ito at inagaw si Manny
Ano kaya ang masasabi ng mga original handlers ni Manny sa suwerteng dumapo sa dati nilang alaga?
Iba talaga kapag suwerte ang dumapo sa isang tao.
Naalala ko pa ang kuwento ni Dioceldo Sy, dating PBL Chairman na may hawak sa Blu Detergent team many years ago.
Nag-uumpisa pa lang sumikat noon si Asi Taulava na sa kanyang team naglalaro.
Para laging nasa kondisyon, binigyan pa nila ito ng special trainer.
Ganyan din si Manny Pacquiao na noon nang hindi pa ito gaanong sikat at nag-uumpisa pa rin lang.
Ang suweldo ni Manny?
P300 per session.
Naging commercial endorser pa noon ni Dioceldo si Manny.
Ngayon, tingnan mo kung nasaan ni Manny.
Super yaman na.
Sa halos sampung minutong laban, milyon-milyon na ang kinita niya.
Kaya nga ngayon, ang daming magulang, pinipilit ang mga anak nila na mag-boxing na lang.
Baka sakaling magaya sa kapalaran ni Manny Pacquiao.
Personal: Happy birthday today sa aking kapatid na si Alex "Bobby" Gutierrez!
Isang heros welcome ang naghihintay sa kanya.
Marami ring mga politiko ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.
Makikisawsaw, makikisakay, makiki-picture na naman ang mga politikong ito na tatakbo sa susunod na eleksyon.
Na tiyak na mauuwi pa sa demandahan.
Ang sarap pakinggan na dalawang mala-higanteng sports figures ang nagkakagulo para lang maangkin si Manny Pacquiao.
Bongga talaga si Manny!
First time lang yata yan nangyari sa isang Filipino sports hero.
Sa mundo daw kasi ng boxing, puro pera lang ang labanan.
At dahil malaking pera ang tiyak na makukuha ni Manny sa mga susunod pa niyang laban, ayan, pinag-aawayan na talaga siya.
Ang mga taong nung nag-uumpisa pa lang siya eh nandyan at umaruga sa kanya at nagtiyagang mag-alaga at tunay na naghirap para kay Manny.
Nung sumikat na si Manny, parang mga buwitreng nagsulputan ang mga Amerikanong ito at inagaw si Manny
Ano kaya ang masasabi ng mga original handlers ni Manny sa suwerteng dumapo sa dati nilang alaga?
Naalala ko pa ang kuwento ni Dioceldo Sy, dating PBL Chairman na may hawak sa Blu Detergent team many years ago.
Nag-uumpisa pa lang sumikat noon si Asi Taulava na sa kanyang team naglalaro.
Para laging nasa kondisyon, binigyan pa nila ito ng special trainer.
Ganyan din si Manny Pacquiao na noon nang hindi pa ito gaanong sikat at nag-uumpisa pa rin lang.
Ang suweldo ni Manny?
P300 per session.
Naging commercial endorser pa noon ni Dioceldo si Manny.
Ngayon, tingnan mo kung nasaan ni Manny.
Super yaman na.
Sa halos sampung minutong laban, milyon-milyon na ang kinita niya.
Kaya nga ngayon, ang daming magulang, pinipilit ang mga anak nila na mag-boxing na lang.
Baka sakaling magaya sa kapalaran ni Manny Pacquiao.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am