"Nagiging matindi ang race to stay on top. If we want to stay up there, we shouldnt be complacent and that there should be no make-up next game. We cannot afford any-more losses," pahayag ni Ginebra coach Jong Uichico.
Alas-4:35 ng hapon ang sagupaan ng Tigers at Gin Kings at susundan ito ng sagupaan ng Alaska at Talk N Text sa alas-7:20 ng gabi.
"Mukha lang madali ang schedule namin but the truth is we shouldnt underestimate our oppo-nents simply because we cannot afford to lose today, then babawi na lang next time," paliwanag ni Uichico.
Galing sa malaking panalo ang Ginebra nang kanilang ilam-paso ang league leader na Sta. Lucia Realty, 123-117 sa out-of-town game na ginanap sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Sisikapin ng Gin Kings, may 7-4 kartada, na masundan ito upang muling makabalik sa pakikisosyo sa ikalawang pu-westo sa pahi-nga ngayong Red Bull na may 8-4 karta-da na di ha-los nalalayo sa record ng Realtors na 8-3.
Tinambakan ng Ginebra ang Coke sa una nilang pagkikita noong October 25, 102-75 sa provincial game na ginanap sa Cabagan Isabela.
Sisikapin namang ma-kakalas ng Phone Pals sa pakikisosyo sa San Mi-guel sa 6-5 karta sa paki-kipagsagupa sa nahihira-pan ding Alaska na may 3-7 karta. (MBalbuena)