^

PSN Palaro

Purefoods, 50 na

GAME NA! - Bill Velasco -
Angkop na angkop ang pagdiriwang ng ika50 kaarawan ng Purefoods, dahil tinatangka ng Purefoods Chunkee Giants ang pagdagdag sa kasaysayan ng kompanya sa PBA sa pagkuha ng pangalawang sunod na kampeonato sa Philippine Cup.

Kung susumahin, matagal nang kilala ang Purefoods sa ganda ng mga produkto nito bago pa man sila pumasok sa PBA noong 1988. Subalit, lalo na nang makuha nila ang apat na miyembro ng Philippine team (Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Jojo Lastimosa at Glen Capacio), lumundag ang kasikatan ng kompanya. Ilang sunod na taong namayani sa AllFilipino ang Purefoods Hotdogs ng mga panahong iyon, bagamat bago pa lang ang team.

Ang tatak ng Purefoods ay naging tanyag din dahil naging tahanan din ito sa dadalawang PBA player na naakuha ng apat ng Most Valuable Player Awards. Naging unang team captain nito si Ramon Fernandez. Nakuha ni "El Presidente" ang MVP Award noong 1982, 1984, 1986 at 1988, ang huli habang nasa Purefoods siya. Si Alvin Patrimonio naman (na binansagan ng inyong lingkod na "The Captain" nang una siyang hiranging team captain ng TJ Hotdogs), ay tumabla kay Fernandez nang makamit niya din ang pagkilalang iyon noong 1991, 1993, 1994 at 1997.

Ang iba ring ibang MVP ng PBA ang dumaan sa Purefoods, kasama sila Abet Guidaben (1983, 1987), Freddie Hubalde (1977) at James Yap (2006). Nakuha ni Cap (Patrimonio) ang lahat ng kanyang MVP awards habang nasa Purefoods, at rookie siya noong makuha naman ni Fernandez ang kanyang huli.

Sa panig naman ng mga coach, mahirap pantayan ang talaan ng mga naging pinuno ng Purefoods sa mga nagdaang taon. Unanguna rito ang Grand Slam coach na si Baby Dalupan; Mon Fernandez, Cris Calilan, Ely Capacio, Chot Reyes, Eric Altamirano, Chito Narvasa, Derick Pumaren and Ryan Gregorio. Nakuha ni Dalupan ang kanyang ika15 korona nang dalhin niya ang Hotdogs sa kampeonato noong 1990. Nagsimula namang umani ng tagumpay sa Purefoods sila Capacio (1991 AllFilipino), Reyes (1993 AllFilipino at 1994 Commissioner’s Cup), Altamirano (1997 AllFilipino at Gregorio (2002 Governors and 2006 Philippine Cup). Pitong kampeonato na ang naiuwi ng Purefoods.

Liban dito, naging kilala rin ang Purefoods dahil sa mga pagkakataong hindi inaakala ng mga tao na kakayanin nilang magkampeon. Noong nagsisimula pa lang sila, bigla silang pumasok sa AllFilipino Finals noong 1988. At noong nakaraang Philippine Cup, pampito ang ranggo ng Purefoods bago magsimula ang torneo, subalit sila ang naging kampeon.

 Maligayang kaarawan, Purefoods.

ABET GUIDABEN

ALVIN PATRIMONIO

BABY DALUPAN

CHITO NARVASA

CHOT REYES

CRIS CALILAN

NAKUHA

NOONG

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with