David nagbida sa panalo ng Express
November 23, 2006 | 12:00am
Intensibong laro ang ipinamalas ni Gary David upang banderahan ang Air21 sa impresibong 100-85 panalo laban sa baguhang Welcoat Paints sa pagpapatuloy ng eliminations ng Talk N Text-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Humataw si David ng 26-puntos, 16 nito sa second half nang kanilang kontrolin ang Dragons para isulong ang Express sa ikalimang panalo matapos ang 11 laro.
Humataw si David ng 10 puntos sa ikaapat na quarter kung saan katulong nito si Mark Telan na nagposte ng walo sa kanyang tinapos na 10-puntos sa naturang yugto upang pigilan ang pagbangon ng Welcoat.
"This win is very important, because as of now, we have a chance to make it to the quarterfinals outright," sabi ni coach Bo Perasol. "We dont want to put our fate in the hands of others, its too difficult going through the wild card (phase) again."
Nalasap ng Dragons ang ikatlong sunod na talo at ikasiyam sa kabuuang 12-laro na lalong nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon.
Naitala ng Air21 ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 18-puntos ngunit naibaba ito sa apat na puntos nngunit hindi na nila ito nasustinihan.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Purefoods Chunkee (7-4) at Red Bull (7-4), ang mga nakaraang finalists sa kumperensiyang ito, kung saan nakataya ang solong ikalawang puwesto sa likod ng nangungunang Sta. Lucia Realty. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended