Tensiyon sa Purefoods vs Red Bull inaasahan
November 22, 2006 | 12:00am
Sa kauna-unahang pakakataon, maghaharap ang mga finalists noong nakaraang taon ng kum-perensiyang ito kayat asahang may tensiyon sa sagupaan ng defending champion Purefoods Chunkee at Red Bull sa pagpapatuloy ng elimina-tions ng Talk N Text-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ngayon.
Dagdag pa dito, pag-lalabanan ng Giants at Bulls ang ikawalong pa-nalo para sa solong ikala-wang puwesto kayat asa-hang matinding aksiyon ang matutunghayan sa alas-7:20 ng hapong sagupaan pagkatapos ng pampaganang laban ng Welcoat Paints at Air21 sa alas-4:35 ng hapon.
Maganda ang mood ng Giants papasok sa larong ito dahil galing sila sa three-game winning streak ngunit mataas din ang morale ng Bulls dahil bitbit nito ang impresibong 95-67 panalo laban sa Coca-Cola na bumura ng kanilang dalawang sunod na talo.
Sa ikalawang laro, sisikapin naman ng Dragons at Express na makabangon sa ilalim ng team standings.
Samantala, dito na kaya matatapos ang ali-tang Enrico Villanueva at Joseph Yeo.
Nagkaroon ng pagka-kataong mag-usap ang dalawa sa tanggapan ng PBA matapos ipatawag ang dalawa na muli na namang nagpang-abot noong Linggo.
Nagkagirian sa laro ang dating Ateneo star na si Villanueva ng Red Bull at former La Salle ace na si Yeo ng Coke sa laro na dinomina ng Bulls.
Pumutok ito sa parking lot kung saan sinuntok umano ni Villanueva si Yeo ngunit ang kakampi nitong si Mike Gavino ang tinamaan.
Naawat naman ng mga security ang gulo.
Inaasahang magpa-pataw ng multa ang PBA ngunit natuwa si PBA Commissioner Noli Eala na nag-usap ang dalawa na hiniling ni Villanueva.
May nauna nang insi-dente na nagpang-abot ang dalawa sa isang exhibition match sa pagi-tan ng magkaribal na La Salle at Ateneo noong Disyembre. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended