^

PSN Palaro

Ituloy kaya ni Pacquiao ang pagpasok sa pulitika?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Pagbalik ni Manny Pacquiao, tiyak na uulanin siya ng katanungan kung itutuloy niya ang nauna nang napa-tsismis na pagtakbo niya bilang vice-mayor ng Manila.

Kung pagiging vice-mayor nga lang naman ang tatakbuhin ni Manny, hinding-hindi siya matatalo dyan. Kung popularidad at pagdadala lang ng karangalan ang magiging basehan sa botohan, kahit tumakbo pang Senador si Manny ay hinding-hindi siya matatalo.

Pero ang mga kaibigan niya ang nagsasabing sana nga raw ay hindi tutoo ang tsismis na ito.

Na kung gugustuhin ni Manny na makapag-lingkod sa kanyang kapwa, hindi lang sa Manila, magagawa niya ito kahit na hindi na siya tatakbo sa anumang posisyon sa larangan ng politika.

Tama na ang makapaghatid siya ng kabaya-nihan sa pamamagitan ng husay niya sa boxing.

Ang patuloy na pagbibigay niya ng karangalan para sa mga Pilipino at sa bansang Pilipinas ay sapat ng public service na mahirap pantayan.
* * *
Ayaw ng marami na sumabak pa sa mundo ng politika si Manny.

Any survey at any time will give the same results-- ayaw ng tao na mag-politika si Manny.

Knowing Manny, pakikinggan niya ang hiling ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Ang Pilipinas ay patuloy na nangangailangan ng mga bayaning puwedeng magsilbing inspiras-yon sa buhay. Isang bayaning puwedeng maka-pag-unite sa isang bansa na matagal nang niyu-yurak at hinahati ng walang tigil na politikahan.

Alam ni Manny yan.

Sigurado ako, hindi tatakbo yan sa anumang posisyon sa politika.
* * *
Ilan kayang politiko na tatakbo sa susunod na eleksyon ang pilit na hahabol kay Manny Pacquiao at magpapataas ng kamay dito?

Nakupo, tiyak na marami yan.

Pagbalik niya rito hanggang sa eleksyon, magbilang kayo.

ALAM

ANG PILIPINAS

AYAW

KNOWING MANNY

MANNY

NIYA

PAGBALIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with