^

PSN Palaro

Pacquiao, Morales nag-gudtaym sa Casino

-
LAS VEGAS – Nagpalipas ng ilang oras sa baccarat table sa casino ng Wynn Hotel si Manny Pacquiao noong Linggo ng hapon.

Kadikit na lamesa lamang niya si Erik Morales na nagtutulak naman ng mga chips sa roulette at ninanamnam ang ilang bote ng Corona beer.

Bahagyang nag-usap ang dalawang boksingero na isang araw pa lamang ang nakakalipas ay galing sa matinding suntukan. Nagkamay pa sila at niregaluhan pa ni Pacquiao ng Team Pacquiao jacket ang kalaban.

Merong ilang piraso ng $25 at ilang $100 at $1,000 chips si Morales sa kanyang harapan. Tahimik itong naglaro suot ang long-sleeved shirt, blue jeans, rubber shoes at may bitbit na black leather bag.

Kasama ni Morales ang kanyang magandang asawa at walang makikita sa guwapong Mexican nang anumang galos.

Sa kabilang dako, kasama naman ni Pacquiao ang higit isang dosenang kaibigan, na suot naman ang isang blue jeans na tulad ng kay Morales, pero naka-leather shoes ito at gray sweatshirt habang iba ang may hawak ng kanyang clutch bag.

Ilang beses din silang natalo sa kanilang mga taya pero walang pakialam dahil panahon ito ng kanilang paggudtyam matapos ang kanilang mainit na bakbakan.(Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BAHAGYANG

ERIK MORALES

ILANG

KADIKIT

KASAMA

PACQUIAO

TEAM PACQUIAO

WYNN HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with