^

PSN Palaro

Dragons yuko sa Alaska

-
Nakaahon sa kulelat na posisyon ang Alaska Aces ngunit nagawa nila ito sa mahirap na paraan.

Kinailangan ng overtime ng Aces upang makopo ang 97-91 panalo laban sa rookie team na Welcoat sa pagpapatuloy ng Talk N Text PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Kinubra ng Alaska ang ikatlong panalo sa 10 laro mata[os ang ikawalong talo sa 11-pakikipaglaban.

Pinangunahan ni Nic Belasco ang Alaska sa kanyang 23-puntos na sinundan ni Willie Miller ng 19.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon sa Puerto Princesa kung saan nakatakdang magsagupa ang league-leader na Sta. Lucia Realty at ang paboritong koponan na Barangay Ginebra.

Mataas ang morale ng Realtors na dumating sa Palawan bunga ng impresibong 106-91 panalo laban sa Coca-Cola noong Miyerkules para sa kanilang back-to-back win na nagdala sa kanila sa league-best record na 8-2 kartada at ang pinakamagandang record ng prangkisa.

At kabilang sa biktima ng sorpresang leader na Realtors ay ang mga bigating San Miguel (98-95), Talk N Text (102-90) at Red Bull (105-83).

At ngayon, ang Ginebra naman ang susubok sa tunay na lakas ng Sta. Lucia sa alas-5:00 ng hapong sagupaan sa Puerto Princesa Coliseum, para sa kanilang layuning makakalas sa pakikipagtabla sa 6-4 record sa SMBeer at Red Bull.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Air21(4-5) at defending champion Purefoods Chunkee (6-4).

vuukle comment

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

LUCIA REALTY

NIC BELASCO

PHILIPPINE CUP

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA COLISEUM

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with