^

PSN Palaro

Hapee-PCU solo lider

- Mae Balbuena -
Inangkin ng Hapee-PCU ang pansamantalang solong pamumuno matapos ilista ang 93-66 panalo laban sa baguhang Kettle Korn-UST sa pagpapatuloy ng PBL Silver Cup sa UST gym kahapon.

Dinomina ng Teethmasters ang Kettle Korn sa paglista ng pinakamalaking kalamangan ng 32-puntos, 89-57 tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo habang nalasap naman ng Tigers ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Sa unang laro, binalikan ng Harbour Centre ang kanilang porma upang makabawi sa pagkatalo sa kanilang opening game matapos ang 76-61 panalo laban sa baguhang Mail & More Comets.

Bumandera sina Al Vergara at Chico Lanete para sa Port Masters sa pagkamada ng tig-14 puntos upang burahin sa kanilang alaala ang 68-73 pagkatalo sa Hapee-PCU noong Sabado sa San Juan Arena.

"I think maganda na ngayon ang inilaro ng buong team, especially ‘yung mga bagong players," wika ni coach George Gallent ng Port Masters. "Medyo nakakapag-adjust na sila sa isa’t isa."

Naitala ng Harbour Centre ang pinakamalaking kalamangan na 69-56 sa huling 2:24 ng final canto mula sa isang 3-point shot ni Vergara na di na natibag ng Comets na nadiskaril sa kanilang debut game.

AL VERGARA

CHICO LANETE

GEORGE GALLENT

HAPEE

HARBOUR CENTRE

KETTLE KORN

MORE COMETS

PORT MASTERS

SAN JUAN ARENA

SILVER CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with