Relax na relax si Pacquiao
November 13, 2006 | 12:00am
LOS ANGELES -- Mabigat na workout sa Wild Card Gym at sing-along party sa malapit na Thai restaurant ang gina-wa ni Manny Pacquiao sa kanyang huling araw ng pagsasanay.
Bibiyahe si Pacquiao kasama ang 30-kataong entourage ng 300 miles na tatagal ng apat na oras patungong Las Vegas kung saan gaganapin ang laban kontra kay Erik Morales ng Mexico.
Magsisimba muna ang 27-gulang na Filipino boxer sa Christ the King Church sa Hollywood bago magpunta ng Vegas kung saan ang klima ay bumaba sa 10 degrees nitong mga nakaraang araw.
Halos dalawang bu-wan nang nasa LA si Pacquiao at araw-araw itong nagwo-work-out sa gym ng kanyang trainor na si Freddie Roach.
Nakipag-sparring sa huling pagkakataon si Pacquiao sa mas mabigat at mas matangkad na Mexican fighters na sina David Rodela at Jorge Padilla.
Sa harap ng fans, nag-tatlong round si Pacquiao laban kay Pa-dilla at dalawa kay Rodela na binigyan niya ng mabibigat na suntok at may ilang pagka-kataon ding tinanggap niya ang mga kamao ng mga ito upang ipakita ang kanyang tibay.
"Dinoble namin ang training para sa laban na ito kaya maganda ang pakiramdam ko. Ready na ako," ani Pacquiao. (ABAC CORDERO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended