Bulls yuko sa Express
November 12, 2006 | 12:00am
Sinamantala ng Air21 ang panlalamya ng Red Bull sa ikatlong quarter at gumawa ng dalawang malalaking run upang hatakin ang 81-74 panalo sa mainit na Albay Astrodome sa Lepazpi City kagabi.
Bumandera sina Yancy de Ocampo at Mark Telan para sa Express sa pagkamada ng tig-15-puntos tungo sa ikaapat na panalo ng Air21 matapos ang siyam na laro.
Umabante ang Air21 ng 10-puntos, 72-62 patungo sa huling pitong minuto ng labanan at inalagaan nila ito upang mapreserba ang kanilang tagumpay.
Asahang magiging mainit naman ang labanan ng Talk N Text at Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Alas-6:30 ng hapon ang sagupaan ng Gin Kings at Phone Pals pagkatapos ng engkwentro ng defending champion na Purefoods Chunkee at ng bagitong Welcoat Paints sa alas-4:05 ng hapon.
Hangad ng Ginebra na masundan ang 92-87 panalo laban sa kapatid na kumpanyang San Miguel Beer sanhi ng kanilang 6-3 record.
Nais naman ng Phone Pals na ibaon sa limot ang 72-79 pagkatalo sa Dragons na naglaglag sa kanila sa 4-5 kartada.
Sisikapin namang masundan ng Purefoods ang 88-84 panalo laban sa Ginebra upang mapalawig ang 5-4 record. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest