Hapee, Sista agad nagparamdam
November 12, 2006 | 12:00am
Isang koponang may bagong head coach at isang mentor na may bagong tropa ang nakapitas ng kanilang unang panalo.
Tinalo ng Hapee-PCU ni Jun Noel ang Harbour Centre, 73-68, habang iginupo naman ng Sista Super Sealant ni Caloy Garcia ang Magnolia, 77-71, sa pagsisimula ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa San Juan Arena.
Sinandalan ng Teethmasters sina Jason Castro at Larry Rodriguez sa huling tatlong minuto ng laro patungo sa kanilang panalo.
Nagtayo ang Teethmasters ng malaking 36-18 bentahe sa huling 54 segundo ng second period bago nakalapit ang Port Masters, naghari sa nakaraang 2006 Unity Cup, sa 65-59 sa nalalabing 57.8 tikada ng fourth quarter.
Isang basket ni Castro at dunk ni Mark Borboran sa huling 6.3 segundo ang nagselyo ng panalo sa Hapee-PCU.
Kumolekta naman si Marcy Arellano ng 11 puntos sa kanyang kabuuang 20 marka sa final canto para sa tagumpay ng Super Sealers laban sa Spinners na nagparada kay 68 Nigerian Samuel Ekwe. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest