Kawawang Talk N text!
November 11, 2006 | 12:00am
Malakas naman ang signal ng Talk N Text sa Mindanao. Iyan ay patototohanan ng mga miyembro ng PBA delegation na nagtungo sa Tubod, Lanao del Norte noong Huwebes para sa laban ng Talk N Text Phone Pals at ng Welcoat Dragons sa Mindanao Civic Center Gymnasium.
Kasi nga, kapag nandoon ka na sa Mindanao Civic Center kung saang idinaos din ang 2003 Palarong Pambansa, wala ka nang mapupuntahang ibang lugar maliban na lang siguro sa Maria Cristina Falls.
So, kain-tulog na lang ang gagawin mo habang sumusinghot ng sariwang hangin. Malamang tataba ka ng husto at magiging healthy kapag nagtagal ka doon.
At malamang din na kalyuhin ang daliri mo sa katetext o kalyuhin ang teynga mo sa katatawag dahil sa iyon pa ang isang bagay na puwede mong gawin.
E, di patunay iyon na malakas nga ang signal ng Talk N Text sa bahaging iyon ng ating bansa! Pero noong Huwebes ng gabi, sa fourth quarter ng laro sa pagitan ng Phone Pals at Dragons, abay biglang nawalan ng signal, hindi ang mga cell sites ng Talk N Text kundi ang mga manlalaro ni coach Derick Pumaren at itoy nagresulta sa 79-72 panalo ng Welcoat!
Isang napakalaking upset ang nangyari dahil sa bago nagsimula ang laro ay talaga namang pinaboran ang Phone Pals.
Ayon nga sa mga oddsmakers, dahil sa may three-game losing streak ang Phone Pals, tiyak na ibubunton nila ang buong ngitngit laban sa Dragons!
Well, tila ganoon nga sana ang mangyayari dahil sa pagtatapos ng third quarter ay nagawa ng Phone Pals na makaabante ng pitong puntos, 53-46.
Pero itinadhana nga yatang hindi magwawagi ang Talk N Text sa Tubod dahil sa bigla silang minalas sa fourth quarter at sumingasing ang Dragons na nagbuga ng apoy na hindi naapula ng kalaban!
Tsk, tsk, tsk...
Masama ito! May four-game losing streak ang Talk N Text na isa sa kinatatakutang teams sa torneo. Biruin mong tatlong buwan nilang pinaghandaan ang Philippine Cup pero tila mababalewala iyon.
At bukas ay makakaharap pa nila ang powerhouse Barangay Ginebra na galing sa 88-84 pagkatalo sa nagtatanggol na kampeong Purefoods Chunkee Corned Beef noong nakaraang Linggo.
Natural na dahil sa galing sa pagkatalo ang Gin Kings, kakaibang tikas ang kanilang ipamamalas laban sa kanilang susunod na makakaharap!
Tuloy ay nanganganib ang Talk N Text na makalasap ng ikalimang sunod na pagkatalo at hindi mapigilan ang pagdausdos!
Well, dalawang bagay iyan, e.
Kung matatalo ang Talk N Text bukas, baka tuluyang mawawasak ang kumpiyansa ng Phone Pals.
Pero kung tatalunin nila ang Gin Kings, abay biglang tataas ang kanilang kumpiyansa at makakarebound sila sa sunud-sunod na kabiguan!
Alin sa dalawang ito ang mangyayari?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended