Hapee-PCU igigiya ni Noel
November 9, 2006 | 12:00am
Sa pagpaparada ng bagong head coach at pagbunot sa dalawang bagong players, kumpiyansa ang Hapee-PCU na magiging maganda ang kanilang tsansa sa 2006 PBL Silver Cup.
Mula sa pagiging team consultant sa nakaraang PBL Unity Cup na pinagharian ng Harbour Centre, kikilos ngayon si Jun Noel bilang mentor ng Teethmasters kapalit ni Junel Baculi.
At upang mapalakas ang kanilang kampanya, kinuha ng Hapee-PCU sina Mark Borboran ng UE Red Warriors at Larry Rodriguez ng nagbakasyong Montaña Pawnshop.
"They fit well to my system thats why Im confident of our chances this time," ani Noel sa Teehmasters. "Besides, I also have high respect for my other players. Most of them are matured enough to play against the best players in the league."
Muling sasabak para sa Hapee-PCU sina Dolphins Jason Castro, Beau Belga, Ian Garrido, Rob Sanz, Joel Solis, Robby David at Lemar Navarro bukod pa kina Mark Moreno, Roel Hugnatan, Ardy Larong, Liztian Amparado, James Razon at Ronald Bucao.
Sa panahon nina Rich Alvarez, LA Tenorio, Peter June Simon at Allan Salangsang, dalawang sunod na korona ang nakuha ng Teethmasters noong 2003.
"I did not promise anything to the management. What I said is that we will give every team a good fight," pangako ni Noel, dating mentor ng Negros Slashers sa MBA.
Si PCU coach Joel Dualan, ang isa sa mga miyembro ng coaching staff ni Noel para sa Teethmasters. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am