7 pang Pinoy pasok sa knockout stage
November 8, 2006 | 12:00am
Pitong Pinoy ang pumasok sa knockout stage ng kasalukuyang World Pool Championships ngunit hindi kasama dito ang pambatong si Alex Pagulayan.
Maganda ang simula ng kampanya ng mga Pinoy kahapon nang lima sa pambato ng bansa ang pumasok sa final 64 sa pangunguna nina Francisco Django Bustamante at Marlon Manalo.
Naging magaan ang panalo ni Bustamante laban sa English bet na si Darren Appleton, 8-1 para sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa Group 10 habang dumaan naman sa butas ng karayom si Manalo upang hugutin ang 8-7 tagumpay laban sa Amerikanong si Mike Davis na ikalawang panalo rin nito sa Group 5.
Ang iba pang Pinoy na nakausad sa susunod na round ay sina Rodolfo Luat, Ramil Gallego, Roberto Gomez, Jeffrey "Bata" de Luna at Rudy Morta.
Parehong tumapos ng 3-0 record sina Luat at Gomez matapos igupo ni David Larsson ng Sweden, 8-4 sa Group 21 habang dinurog naman ni Gomez ang Amerikanong si Corey Deuel, 8-2 sa Group 22.
Pumasok naman si Gallego sa knockout round kahit natalo kay Daryl Peach ng England, 4-8 matapos magtala ng 2-1 record.
Ganito rin ang nangyari kay De Luna sa Group 29 matapos matalo kay Kunihiko Takahashi ng Japan, 6-8.
Tumapos din ng 2-1 win-loss slate si Morta matapos ilampaso si Korean Jeong Young-Hwa sa Group 13.
Makakasama ng pitong ito ang mga naunang qualifiers na sina Efren Bata Reyes at Lee Van Corteza.
Kinapos naman si Pagulayan laban kay Lee Kunfang ng Chinese Taipei at kasama nitong nasibak sa kontensiyon sina US-based Amang Parica, Antonio Lining at Leonardo "Dodong" Andam.
Yumukod si Parica kay Indonesian Ricky Yang, 2-8, na nabokya sa Group 23 kaparehas ni Lining na di rin nakatikim ng panalo sa Group 11 matapos yumukod kay dating champion Mika Immonen, 6-8 habang bumagsak naman si Andam kay Chang Jungling, 8-7 sa Group 7.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasaluku-yang nagtatangka ring makapasok sa knockout round sina Santos Sambajon sa Group 23 laban kay Pat Holtz ng Scotland at Gandy Valle sa Group 15 na lumalaban kay Nick Van den Verg ng Netherlands.
Parehong may 1-1 kartada sina Sambajon at Valle.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest