Umaariba na si Bata
November 7, 2006 | 12:00am
Muling binigyan kasiyahan ni Efren Bata Reyes ang mga manonood na Pinoy nang umusad ito sa Round of 64 ng 2006 Philippines World Pool Championship sa pamamagitan ng mahusay na 8-5 pananalasa sa 21 anyos na Indon player na si Roy Apancho.
Makaraang malagay sa bingit ng pagkakalaglag matapos silatin ni Tony Crosby ng USA sa opener 8-7, bumawi ang tinaguriang The Magician nang pataubin naman nito si Radoslaw Babica, 8-4 noong Linggo.
Habang nanonood si Crosby, ipinakita ni Reyes ang kanyang impresibong laro nang mula sa 2-2 iskor na kinakitaan ng ilang vintage shot at klasikong bank shot sa 1-ball sinimulan nito ang paglayo sa 3-2 abante.
Isang foul shot na nakita ng referee na si Nigel Rees nang tamaan ang 5-ball habang inaasinta ang mas mababang numbered ball ang nagbigay kay Reyes ng kasiguruhan sa panalo matapos umabante sa 4-2.
Lalong nagipit ang Indon, na kailangang maipanalo ang apat na racks para makausad, nang magmintis ang long shot nito sa 2-ball at dito sinamantala na ni Reyes ang lahat at umiskor ng 5-2.
Nakakuha pa ng isang rack ang Indon nang isang bank shot sa 7-ball ang ipinasok ni Apancho at makalapit sa 6-3.
Bagamat gipit na sa pressure, pinilit ni Apancho na makalusot sa mahigpit na sitwasyon nang magpamalas ito ng mahusay na tira para sa 6-4 iskor at isiguro ang sarili ng puwesto sa susunod na round.
Ngunit natunugan ni Reyes ang panganib at isang solidong break sa 11th rack at mahuhusay na tira ang pinakawalan ng Pinoy para sa abanteng 7-4.
Nagawa pang makalapit ng hanggang 7-5 ng Indon bago tuluyang bumigay kay Reyes, 8-5.
Umiskor naman ng kapana-panabik na 8-7 panalo si Rodolfo Luat laban kay Fu Jianbo ng China.
Sa iba pang laban ng mga Pinoy, sinargo ni SEA Games gold medalist Lee Van Corteza si Stuart Lawler ng Australia, 8-4, ginapi ni Rudy Morta ang kapwa niya Pinoy na si Roland Garcia, 8-6, pinasiklaban ni Dennis Orcollo si David Reljic ng Australia, 8-3 at pinayuko ni Ramil Bebeng Gallego si Tepwin Arunnath ng Thailand, 8-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 15, 2024 - 12:00am