Natatanging Pinoy entry sa World Junior 9-Ball mapapasabak agad
November 5, 2006 | 12:00am
Mapapasabak agad sa mas mabigat na katunggali ang natatanging Filipino entry na si Rene Mar "Revo" David sa pagsulong ng 2006 World Junior 9-Ball Championships na gaganapin sa Sydney, Australia sa Nob.13 hanggang 17 na isasahimpapawid ng ABC television sa nasabing bansa.
May dalawang venue ang pagdarausan ng prestihiyosong event na bukas sa lahat ng 19-year-old cue master sa buong mundo at itoy ang Rooty Hill RSL Club at Holiday Inn Hotel Complex sa Sherbrooke Road, Rooty Hill.
Ayon sa official website na World Pool-Billiard Association (WPBA), makakalaban ng 17 year-old na si David na nakabase sa Barangay Botocan, Quezon City si Daniel Rakin ng Daly City, California.
Pormal na kinatawan ni David ang Pilipinas matapos manguna sa 19 and under at overall 18th place sa 2006 BSCP National Championship na pinagharian naman ni Alex "The Lion" Pagulayan.
Ito din ang kauna-uhanahang lalahok sa bansa sa nasabing event.
Ang 16-year-old na si Rakin ay tumapos naman sa ika-17 hanggang ika-24 na puwesto sa 2004 Billiards Congress of America (BCA) Junior National na ginanap sa SUMC Billiards & Games room sa University of Arizona sa Tuczon, Arizona.
Ang mananalo sa laban nina David at Rakin ang siyang sasagupa sa mananalo sa pagitan nina Hae-Jin Shin ng Korea at Jonathan Mc Dowell Pakieto ng New Zealand.
Lahat naman ay nakatutok kay defending champion Yu-Lun Wu ng Chinese-Taipei na siyang tumalo sa finals noong nakaraang taon sa nag runner-up at kababayang si Wu Chia-Ching.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended