^

PSN Palaro

FONACIER AT NAJORDA

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Noong nakaraang season ay inamin ni Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao na ang talagang gusto niyang kunin sa first round ay si Larry Fonacier subalit ipinagpaliban muna niya ito at ang sinungkit ay ang dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) Most Valuable Player na si Leomar Najorda.

Isang sugal iyon.

Kasi umasa siya na hindi kukunin ng ibang teams si Fonacier dahil galing ito sa isang taong pahinga matapos magkaroon ng injury sa tuhod.

Nagtagumpay sa sugal ang Red Bull at nasikwat din nito sa second round si Fonacier na nanorpresa’t naparangalang Rookie of the Year sa pagtatapos ng season.

So dalawang potent players ang naidagdag ng Red Bull noong nakaraang season at ngayon nga’y umaasa ang Barakos na pakikinabanagnan nang husto sina Fonacier at Najorda na siyang kakatawan sa kinabukasan ng team.

Well dumating na ang takdang panahon na kailangang mag-deliver ang dalawang ito!

Ito’y bunga ng pangyayaring ipinamigay ng Red Bull si Lordy Tugade kasama ni Omanzie Rodriguez sa San Miguel Beer sa pamamagitan ng three-way trade na kinasangkutan din ng Barangay Ginebra.

Sa trade na iyon ay nakuha din ng Red Bull ang malalaking players na sina Migs Noble at Mark Kong buhat sa San Miguel kasama na rin ang ilang draft picks.

Subalit ang mga ito’y inilagay muna sa reserved list at ang point guard na si Warren Ybañez ang ni-reactivate para punan ang puwesto ni Tugade.

Well, tila hindi angkop na si Ybañez ang iangat dahil sa guwardiya ito at may dalawang matinding point guards naman ang Red Bull sa katauhan nina Topex Robinson at Celino Cruz.

Pero ang pinakamalaking kunsiderasyon kasi ay kabisado ni Ybañez ang sistema ng Red Bull. At saka nandoon nga sina Fonacier at Najorda na siyang hahalili kay Tugade.

Wala namang reserved player ang Red Bull na kaposisyon ni Tugade, e. So tama lang ang desisyon ni Guiao.

Ang siste’y mula nang mawala si Tugade ay hindi pa pumuputok sina Fonacier at Najorda. Hinihintay pa itong mangyari ni Guiao.

At tiyak namang mangyayari ito. Marahil ay naninibago pa lamang sina Fonacier at Najorda sa kanilang roles.

Sa tutoo lang, malaki naman talaga ang potential ng dalawang ito, e. Pareho silang kamador noong college days nila at halos main man ng kani-kanilang koponan.

Napatunayan na rin naman nilang kaya nilang maglaro sa professional level dahil ikalawang taon na nila ito sa PBA.

Kapag tuluyang pumutok ang dalawang ito, malilimutan na rin ng Red Bull si Tugade at uusad na sila sa panibagong stage. Ganoon naman talaga ang buhay sa PBA!
* * *
Happy birthday kay Danilo Anasco na nagdiriwang ngayon, Nobyembre 4 at kay Angela Pascua-Revilla na magdiriwang sa Nobyembre 8.

ANGELA PASCUA-REVILLA

BULL

FONACIER

GUIAO

NAJORDA

RED

RED BULL

TUGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with