"Im hoping na hindi matuloy dahil maganda na yung inumpisahan namin eh," wika kahapon ni Cojuangco sa pagbibitiw ni Ramirez matapos ang 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyem-bre 1-15. "Mahaba pa at hindi pa tapos itong inum-pisahan naming misyon."
Ito ang unang pagka-kataon na nagkaroon ng isang solidong samahan ang POC at PSC sa ilalim nina Cojuangco at Rami-rez.
Sa kanilang pagtutulu-ngan, nakuha ng Team Philippines ang kauna-unahang overall cham-pionship sa Southeast Asian Games matapos pamahalaan ang nasa-bing biennial meet noong 2005.
"Ang mahirap is to be starting all over again, especially if the one that will succeed him has a different idea. Iyon ang talagang worry ko diyan," ani Cojuangco sa inaa-sahang magiging kapalit ni Ramirez sa PSC top post.
Umaasa si Cojuangco na magbabago pa ang isipan ni Ramirez kahit na nakapagpasalamat at nakapagpaalam na ito kay Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo.
"Hanggat maaari sana ay hindi na matuloy yung resignation niya para matuloy lamang itong programa namin," ani Cojuangco kay Ramirez. "Tapusin man lang sana natin hanggang 2008 dahil from the very start our target is to win the elusive gold medal in the Olympic Games." (Russell Cadayona)